Chapter 13

38 13 0
                                    

*RAYNE*


Nakakatulala pa rin ako sa pinto ng locker ng lumabas si Frank galing sa shower room, bigla naman akong nataranta kaya tumalikod ako sa kanya.

"A-ah e-eh ano.... Ahmm labas muna ako hehe!" Hindi ko sya hinintay mag salita at dali-daling lumabas ng locker room, nadaanan ko pa si Sed sa loob ng HQ, hindi ko sya pinansin at dali-daling lumabas sa pinto, pagkasara ko ng pinto ay saka lang ako humarap doon at tinitigan ito ng matagal.

"Hoy bat antagal mo!"

"Ay puta ka!" Napahinto ako sa gulat. "Ano ba Merrow! Bat nanggugulat ka!" Napamaang naman si Merrow sa akin.

"Anak ka ng may anak! Pinagsasabi mo? Kanina pa ako dito!" Merrow raised her voice at kinutungan ako.

"Anyari sayo! Bat namumula ka" Sabat ni Astra at lumapit sa amin.

"Huh!" Kinapa ko ang mukha ka. "H-hindi n-naman ah!" Reklamo ko.

"Ayan halatang sinungaling! Katali-talino minsan bobo!" Inabot sa akin ni Merrow ang maliit nyang salamin, sirena talaga ampuda, may salamin talagang dala. Tinignan ko din agad ang mukha ko sa salamin at namumula nya yun, maiinit din ang pisngi ko hindi naman maaraw.

"Alam na kapag ganyan!"nakangising nakatingin sa akin si Erl. " kung hindi nakakita ng pandesal! Nakakita ng isda sa dagat yan."

"Huh?" Sabay-sabay naming tanong kay Erl.  tumawa lang ito at umiling-iling.

"Alam mo minsan wag ka na lang magsalita!" Sarkastikong sabi ni Astra kay Erl. Tumawa lang ito at tinignan ako ng makahulugan.

"Masarap?" Tumatawang tanong ni Erl sa akin.

"H-huh? A-nong.....A-anong m-masarap?"kabadong tanong ko. 'Kingina nawawalan ako ng tapang ngayon.'

"Masarap yung milk tea na binili  namin kanina antagal nyo kasing mag-usap!" Nakangisi parin  si Erl.

"Ay di ako naniniwalang usap lang!" Sabat ni Astra na parang na gets ang pinagsasabi ni Erl.


"Nag milk tea ba tayo kanina?" Mahinang bulong ni Merrow sa kanilang dalawa na narinig ko pa rin, kaya sabay na napa facepalm ang dalawa.

"Ang tanga mo!" Binatukan sya Astra.

"Di na tropa to!" Naiiling na sabi ni Erl sa kanya. "Tara na sa gym baka mawalan pa tayo ng upuan doon! Magpaalam na tayo sa kani~~...."

"Hindi na tara na  hehe!" Pigil ko agad sa sasabihin ni Erl.

"Parang timang ka? Mamaya hanapin tayo nong mga yun!" Sigaw sa akin ni Astra. Wala na akong nagawa nong hilahin nila ako papasok ng HQ. Pagpasok namin nandon na silang lahat parang nag memeeting, sumenyas naman si Lucas ng 'wait lang' kaya umupo muna kami sa bench , nararamdaman ko ang titig ni Frank kaya kung saan-saan ako tumingin wag lang sa kanya.'bat kasi ang rupok ko nagpapahalik ng walang label' sinisilip ko sya minsan kaya nahuhuli ko ang mga tingin nya. Nong matapos sila lumapit na kami.


"Hintayin na lang namin kayo sa gym huh!" Tumatango si Merrow habang sinasabi yun. " Ikaw! Wag kang tanga sa game nyo!" Duro nya kay Drake.

"Hoy kapal mo ah!" Balik duro nya kay Merrow "sa  gwapo kong ito tanga na lang ang bola kung hindi sya mag papashoot sa basket!" Mayabang na sabi nya kay Merrow na inirapan lang sya pabalik.

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon