Chapter 28

29 5 1
                                    


*RAYNE*



"Congratulation Rayne!" 



Nagulat ako sa sigaw ng mga kaibigan ko pagka open ko ng video call. May mga balloons pa silang hawak, campagne at cake. Tumawa ako nang malakas dahil nadulas pa si Lucas sa gilid. Dalawang taon na din ang nakakalipas simula nong umalis ako sa Pilipinas para ituloy ang therapy ko dito sa Canada. Nakakalakad na ako pero kailangan ko pa rin gumamit ng  saklay. 




"Thank you so much guys for your efforts! you always make me happy, thank you so much!" emosyonal na sabi ko sa kanila, Hindi nila ako kinalimutan simula nang umalis ako, halos araw araw silang tumatawag sa akin, kahit na sobrang busy nila sa work, naglalaan sila ng oras para sa akin, sinama na siguro nila ako sa  everyday routine nila.



"Hanep na yan! english speaking pala today, wala akong baon ngayon!"  naiiritang sabi ni Merrow, in fairness sa isang ito, licensed architect na,  sabi nya pa dati hindi nya kayang mag architecture kung wala ako, tignan mo nga naman, may dulot din pala itong nangyari sa akin, mapait akong ngumiti sa naiisip ko. Madami pa kaming pinag-usapan halos ilang oras din kaming magkausap, Nagpaalam lang sila sa akin  dahil may aasikasuhin pa daw sila sa work.



Bumaba na ako sa kusina dahil naamoy ko na ang nilulutong pagkain ni Mommy, Last week sya dumating dito sa Canada, si Bryte ang halos kasama ko dito sa bahay, dito nya pinagpatuloy ang modelling nya, pag may fasion show at  kailangan gawin sa ibang bansa bago sya aalis at si kuya Wintyr ang papalit. Si Dad and Mommy kailangan nilang asikasuhin ang business nila sa Pilipinas kaya minsan sa isang buwan lang sila dumadalaw. Bumili na rin sila ng bahay dito sa Canada para in case daw na magustuhan namin na tumira dito ay may bahay na. 




"Wow! It looks so delicious!" papuri ko sa mga nakahandang pagkain sa lamesa, may mga Filipino dish na niluto si mommy, nirequest ko yun dahil halos salad and pasta ang pagkain namin dito,  nakalimutan ko na nga kung 'kelan ako huling beses  nakakain ng kanin. I just want a simple celebration, mamayang hapon  pa naman ang graduation ceremony sa university na pinapasukan ko dito sa Canada kaya may time pa si mommy mag luto.





"Congratulation to our Magna Cumlaude!" Irit ni Bryte pag pasok pa lang sa front door, natatawa akong pumunta sa sala at sinalubong sya doon. "Nakaka proud ka pala!" tili niya  bago ako niyakap. Napailing na lang ako sa kakulitan niya at gumanti ng yakap. Kumalas din sya agad at inabot sa akin ang isang paper bag.





"What's this?" nagtatakang tanong ko at binuksan ang paper bag. "Holy shit! paano mo to nakuha? Oh my God!" tumawa siya sa reaction ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang  reregaluhan nya ako ng calculator at lapis. Isa itong limited edition na calculator , siguro para sa iba napaka walang kwenta but for me, it feels like heaven to have this kind of limited things.




"I have so many ways duh! pinag ipunan ko kaya  yan! Kahit ang weird binili ko pa rin for you!" tumawa ako at niyakap ulit siya, after what happen to me, mas naging caring si Bryte. Sa totoo lang nahihiya ako sa kanya, sa kanila... Never nila akong iniwan, hindi nila ako pinabayaan, hindi kagaya ni... Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa naiisip. Ilang taon na rin ang nakalipas ngunit nandito pa rin yung sakit. Ilang beses ko nang pinagalitan ang sarili ko para tigilan na ang kaiisip sa kanya pero... hindi ko kaya, hindi ko pa kaya.




Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon