Chapter 8

50 12 0
                                    

*FRANK*

Nong highschool tayo hindi kita napapansin dahil nasa star section ka samantalang ako nasa second to the highest section lang, palagi kong naririnig ang name mo noon kasi palagi kang nasasali sa ibat-ibang competition, quiz bee, trivia, debate, impromptu at marami pang iba.

 Akala ko dati nerd ka dahil sa kwento ni Sed, hindi ka daw nya matalo kasi sobrang talino mo daw, sabi nya pa threatened sya sayo pero parang wala ka daw paki alam, tinatawanan ka pa namin dati kasi akala naman nerd na panget  ka, hanggang sa isang araw inaya kami ni Sed na manood ng laro mo nagpustahan pa kami ni Drake at Lucas kung anong itsura mo.

 Pagdating namin sa gym non naghanap na kami ng babaeng may malaking salamin at parang manang manamit, tinatawanan pa kami noon ni Sed dahil hindi ka daw ganon, hinanap ka pa namin sa mga players ng school natin pero wala kaming makitang panget, hanggang sa tinawag ang pangalan mo bilang Captain ball ng team.

Napatayo kami ni Drake at Lucas dahil ang ganda mo pala malayong malayo sa naiisip namin, suot mo non ang blue Jersey shirt at short nyong uniform, kitang-kita ang kurba ng iyong katawan at sana 5-8 ang height mo sa tantya ko, hinila kami paupo ni Sed na tumatawa pa.

 Ang galing mong maglaro at ang bilis mo sa court hirap na hirap ang kalaban nyo non, kahit siguro ako matatakot kapag nag simula ka ng bumwelo at paluin ang bola, para kang lumilipad sa taas ng talon mo, napapalakpak pa ako ng manalo kayo at naging MVP ka, simula non palagi na kaming pumupunta ni Drake at Lucas sa classroom nyo, minsan pa naabutan namin na nagdedebate kayo ni Sed sa isang sagot na hindi namin maintindihan.

[Integrated science is a course with merged topics like biology, chemistry,etc.,while science is a big body of knowledge,it is about everything around us even inside our own body.]  Sagot ni Sed non habang nakatingin kay Rayne.

[ Integrated science is when you're using a holistic approach of all of the science to answer a questions or research a phenomenon. Therefore, you could be using physics, biochemistry, and math to research a question. General science is like a general tour or introduction to many disciplines in the sciences, but often doesn't offer the holistic approach. You just sample a little from physics, a little from biochemistry, and a little from math.]  Hindi nagpapatalong sagot ni Rayne. Senearch pa namin kung ano yun at mas detalyado mo iyong na explain kumpara kay Sed.

Sa araw-araw kitang nakikita lalo akong humahanga sayo kahit wala ka namang ginagawa, hanggang sa tumuntong tayo sa grade 10 at naging si Lucas at Astra, excited ako kapag nagkakasama tayo sa galaan, tuwang-tuwa ako kapag nagkaka usap tayo kahit ang tipid mong sumagot, naging inspirasyon kita sa acads ko pati sa paglalaro ng basketball kahit hindi ka naman nanunuod. 

Nang tumuntong tayo sa Senior high na inspired ako lalo dahil same strand tayo kaso nasa section 2 ako pero hindi naging hadlang yun at lalong humanga pa ako sayo, sobrang proud ako sayo na para bang anak kita nong sabitan ka ng medalya, ang lakas pa ng palakpak ko non nakatayo pa ako, tinatawanan  at kinakantyawan pa ako ng mga tropa natin pero wala akong paki alam tinatakot ko pa noon ang mga nagtatangkang manligaw sayo.

Sabay tayong nag enroll sa college pero hindi mo pa rin ako napapansin, lagi akong nanunuod ng game mo pero ikaw minsan lang kita makita pag game namin, limang taon na! Limang taon na kitang gusto , hindi lang basta gusto! Gustong-gusto mag aanim na taon na nga sa mismong game nyo sa September ey. Nong natamaan ka ng bola hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nag message ako sayo at humingi ako ng sorry sayo, hinintay ko ang reply mo natawa ako dahil thumbs up lang ang reply mo sakin, pati ba naman sa Instagram ang tipid mo sumagot. 

At dumating yung araw na pinakahihintay ko yung makasama ka na tayo lang dalawa kaya  nong ibilin ka sa akin ni Merrow grab the opportunity  agad sinamahan na kita, gusto kitang makasama ng matagal kaya sinadya ko pang iwan ang kotse ko at maglakad habang hawak kita na parang bata na mawawala kapag binitawan ko, halatang ilang na ilang ka sa akin, bawat galaw mo kinakabisado ko natawa pa ako ng papakin mo ang chocolate sa ilalim ng yelo, ang cute mo non puta! kaya binilihan na kita ng chocolate, lagi akong ina -update ng mga tropa natin tungkol sayo suportado pa ako ng mga loko kaso sobrang manhid mo.

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon