Chapter 1

159 19 4
                                    

*RAYNE*


"Hoy! Ano di ka pa uuwi?" Pasigaw na tanong ni Astra sakin, ang kaibigan kong may megaphones araw -araw, ewan ko ba palaging nakasigaw ang lola nyo.

"Wait lang ah! Baka di pa kasi ako tapos." I roll my eyes and pack my things, sa bahay ko na lang tatapusin tong research namin, nasa tambayan kasi kami ng school ngayon, di ko namalayan ang oras mag gagabi na pala.

"Huh? Hakdog? Punyeta dalian mo may training ang basketball player natin ngayon sa gym, kaloka ka bilisan mo king ina."

"Bat ba nagmamadali ka? player ka ba huh player ka?"Iritableng tanong ko sa kanya.

"Ay wow huh!"Eksaheradang sabi nya nakahawak pa sa dibdib. FYI te jowa ko isa sa mga best player natin kailangan ko manood mag checheer ako dzai." Dagdag nya pa.

"Ewan ko sayo!"Yun na lang nasabi ko, napabuntong hininga ako at sumunod na sa kanya, ano pa nga bang magagawa ko.

Pagdating namin sa gym nag sisimula ng mag training mga player may nadaan pa kaming nag tetraining sa field mga track and field ata, Volleyball player ako, nextweek pa kami mag tetraining matagal pa naman ang game namin, mauuna ang basketball game kaya mas nauna sila sa amin mag training na lagi namang nangyayari.

Third year college na ako may dalawang taon pang paghihirap bago maka graduate, hindi pa naman ako napapatalsik sa architecture kaya tuloy ang laban.

"hoy ano na? tatayo ka lang jan? Abay te di ka mag kakajowa sa pagtayo tayo mo jan!" Sabi ni Astra sabay tawa, gago talaga.

Umupo na lang ako sa tabi nya at nilabas ang books ko may quiz pa kami bukas kaya mainam na mag review na lang ako habang hinihintay sya.

"Ang galing talaga ng baby ko masarap pa."Biglang sabi ni Astra sa tabi ko.

Gulat akong tumingin sa kanya na may pagkadigustong reaction sabay iling na lang at binalik ang tingin ko sa aking binabasa.

"Ay putang ina."biglang sigaw ko sa gulat ng matamaan ako ng bola sa braso, napapikit ako ng mariin dahil sa pikon at malalim na bumuntong hininga, pilit na kinakalma ang sarili ko.


"Luh gago! okay ka lang Rayne?" Tanong ni Astra na halatang pinipigilang tumawa, kinginang yan.


"hala Rayne Sorry ito kasing si Frank ei napalakas ang pasa."Sabi ni Lucas, boyfriend ni Astra sabay turo kay Frank na captain ball nila tumango lang sya sakin bilang paghingi ng dispensa.


Schoolmate namin si Frank at Lucas pati yung ibang player simula highschool. sikat yan si Frank kasi daw talented, matalino at gwapo daw, classmate nya dati sila Merrow at Astra mula grade 7 hanggang grade 8, naging close sila dahil naging Si Astra at Lucas na tropa ni Frank kaya minsan nagkakasama sa galaan.


"okay lang ako sige na balik na kayo sa game."Sabi ko na lang kahit masakit kingina.


"HAHAHAHAHAHA anghel ka ghorl bait mo ngayon ah HAHAHAHA ."Tawa ng tawa sakin si Astra.


"Hahampas ko sayo tong libro kapag di ka tumigil." Pikon na sabi ko sa kanya at tinawanan pa ako ng malakas, napatingin tuloy samin yung mga players kingina.

"Uuwi na ako kasabay mo naman si Lucas umuwi." Pagpapaalam ko sa kanya.


"Ge sige ingat mamatay ka sana." Tumawa pa ulit sya, umiling na lang ako at lumakad paalis, dumiretso ako sa parking lot malapit na ako sa motor ko ng mag ring ang phone ko, huminto ako saglit at tinignan kung sinong caller napabuntong hininga na lang ako bago sinagot ang tawag.

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon