Chapter 36

25 3 0
                                    




*Rayne *



"bakit ba nag-ayang uminon? tang ina, tanghaling tapat!"


Reklamo agad ni Merrow pagka upo sa sofa ng condo unit ni Astra, binato siya ng chichirya ni Astra nang manahimik.


"Iwan ko din nga dyan kay Rayne, bigla-biglang nag aayang uminon, syempre hindi tayo pwedeng tumangi kasi once in a blue lang itong mangyari. Saad ni Erl at nag salin ng vodka sa dringking glass niya.


"So what's the matter? Do you have a problem? Tell us, at wag kang magsisinungaling sa amin huh!" siniringan agad ako ni Merrow, alam kong nag aalala lang yan.


"walang problema okay! Ayos lang ako, I am good, masama bang maki-bonding sa inyo?" umirap ako at nag salin din ng alak sa baso ko.


"Ng tanghaling tapat? You're unbelievable!" natatawang sagot sa akin ni Astra, bakit ba ang kukulit nila? gusto ko lang naman uminom? "Anyway inaya ko si Sed at Drake, iwan kay Lucas kung pupunta yun, si Frank nasa palawan ata!" dagdag pa niya.


"Nabanggit nga sa akin ni Frank, next week pa ata siya uuwi!" kibit balikat kong sabi at uminom ulit sa baso ko, tumahimik sila at nilingon ako. "What?" I ask them, nakatunga-nga lang sila sa harap ko, gulat na gulat at parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Nakanganga pa.


"What did you say?"


"paki ulit yung sinabi mo!"


"What the heck!"


Sabay- sabay na sabi at tanong nila, kaya hindi ko alam kung anong unang sasagutin, bakit ba gulat na gulat ang mga 'to?


"Ayaw kona ulitin yung sinabi ko, bahala kayo dyan!" hindi ko sila pinansin at uminom lang ako.


"What the... may pag paalam nang nangyayari?" gulat pa rin na tanong ni Merrow.


"Ano bang tanong yan?" inis na sabi ko ko kay Merrow. Nag sabi lang yung tao about sa pag punta sa palawan parang big deal na agad sa kanila.


"Damn! Don't tell me nagkabalikan na kayo?" tanong ni Astra ng makabawi sa pagkagulat. Ang tagal ng realization sa kanya huh.


"Anak ng sunga ka talaga Astra! Bakit ko babalikan yun?nag usap lang kami, we're friends now! Okay na ba?" sarkastiko kong paliwanag nang matahimik sila at hindi na umusisa pa, ang kaso nagsitilian sila, yun ang naabutang sitwasyon ni Sed at Drake pagpasok sa loob ng unit ni Astra.


"We're friends now!" pang gagaya ni Merrow sa sinabi ko. "Nag aaway pa kayo nong nakaraan tapos friends na, wewew! Ang lakas naman ni Frank, 'di pala marunong sumuko ang isang iyon!" tumatawang dagdag ni Merrow.

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon