Chapter 29

33 5 0
                                    





*RAYNE*





"Hey! are you okay?" tanong ni mommy nang makalapit siya sa akin, kagagaling ko lang sa work, past 11 pm na nang makauwi ako. Overtime na naman dahil 'andaming revision sa design na hawak ng team ko.



"I'm fine mom, medyo pagod lang sa work!" hinilot ko ang nuo ko, dahil iniisip ko kung ano bang mali, kung ako ba o yung engineer na humawak kasama sa project. Tinanguan lang ako ni mommy at hindi na muling sumiyasat pa.





"Kapag nagutom ka, may pagkain pa sa ref, initin mo na lang!" hinalikan niya ako sa nuo at nagpaalam na bago umakyat na sa kwarto nila. Sumandal ako sa armrest ng sofa para makapagpahinga ng kunti, it was a tiring day for me, simula nang makapasa ako sa board exam, 'andaming company ang tumawag sa akin, ang iba naman ay nag email pa pero pinili ko ang company kung saan ako nag ojt noon, hindi ko na alam kung ilang taon na ba ako dito. six? seven years? pinilig ko ang ulo ko at dumiretso sa kusina para maghanap ng makakain. Hindi ko na ginising si manang dahil tulog na sila ng ganitong oras. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko. Papasok na sana ako nang makarinig ako ng iyak ng bata sa kabilang kwarto, nagmadali akong pumunta doon at nakita kong hinihili ni Niro si Hazia.





"Hey!" bati nya sa aking nang makita nya ako sa pintuan.

 



"Ako na dyan! matulog ka na ulit!" hindi sya kumbinsido kaya lumapit na ako at kinuha si Hazia.

 



"You look tired! ako na." pakikipagtalo pa niya. Sinimangutan ko siya bago ko siya tinalikuran.





"Look who's talking!" pabalang kong sagot! "Matulog kana, sa akin na muna si baby!" nginuso ko si Hazia bago kinuha ang bottled milk nito at pumasok sa kwarto ko. Nagrereklamo pa sya bago ako lumabas. Tinitigan ko si Hazia na natutulog sa kandungan ko at masuyong hinaplos ang pisngi nito. "You look like me, my love." ngumiti ako nang kumunot ang nuo nito.'Manang-mana sa kanyang ina.' Inilapag ko siya sa kama at pinalibutan ng unan para hindi sya mahulog bago ako pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ko maligo ay nag suot lang ako ng sweet pants at sando. Humiga na ako sa tabi ni Hazia nang mapatuyo ko na ang buhok ko. She is two years old now, ang bilis ng panahon, dati naghahangad lang kami ng bata, ngayon meron na kami. Kinalimutan na namin ang nakaraan at piniling mag focus sa hinaharap. Hazia give us a hope, sobrang thankful kami at dumating sya sa buhay namin... sa buhay ko.




"Rayne!" sigaw ni Bryte ang gumising sa akin kinabukas. Inis akong bumangon at tinitigan sya.


 

"What?" inis kong tanong sa kanya.






"Bwesit ka! mamamatay ako sa nerbyos dahil hindi ko nakita si Hazia sa kwarto. Kinidnap mo na naman!" sumisigaw parin siya habang kinukuha si Hazia sa kama ko, gising na rin ito kaya ganon na lang kung makasigaw siya.






"Napaka o.a mo sa part na kinidnap ko anak mo ha!" balik sigaw ko sa kanya bago humiga ulit sa kama ko para matulog, linggo ngayon kaya wala akong pasok, maliban na lang kapag may tumawag sa akin mula sa kumpanya.



Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon