Chapter 18

36 11 1
                                    



*RAYNE*



["Road to finals na babe!]


Mahina akong natawa sa boses na iyon ni Frank, last game na nila for semi finals at nanalo sila, hindi ako nakapanuod dahil may training kami ngayon at may laban din kami bukas. Sa CIU (Central Island University) ang game nila today, hindi din kami natuloy na mag dinner sa bahay dahil may urgent meeting sila mom and dad, pati yung plano ni Frank na pupuntahan namin na cancel dahil may laro sila at may training din ako, nanuod na lang kami ng sine at kumain sa isang restaurant at dahil kasama namin ang squad pinili nila ang mahal, sa loob ng tatlong lingo naging busy kaming dalawa kaya isa o tatlong beses na lang kami magkita.

"Congrats! sorry hindi ako nakapanuod!" matunog akong bumuntong hininga at tinanaw ang mga ka team ko na nagpapahinga sa gilid ng court.


["hey! okay lang! don't be sad susunduin kita mamaya!" ]

Napangiti na lang ako at nagpaalam na sa kanya dahil start na ng training. Habang naglalakad ako palapit sa mga ka team ko napapaisip ako kung bakit sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit ako yung nagustuhan nya, anong meron sa akin na wala sa iba, yung pagmamahal na pinaparamdam nya, pang matagalan ba? Ngayon ko naisip na................ hanggang kilan? ........ hanggang kilan nya ako mamahalin, sana hindi sya mapagod! Kasi ngayon hindi ko alam kung anong gagawin kapag nawala sya sa akin.

"Okay ka lang Cap?" Nag alalang tinapik ni Yanna ang balikat ko, napalingon ako sa kanya at nilibot ang paningin ko sa iba pa, nasa harap na pala nila ako! Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na napansin nasa harap na pala nila ako.

"Okay lang! Ano ka ba! Napapa kape lang ako!"tumawa pa ako kaya lumiwanag ang mukha niya.
Nagfocus ako sa training ngunit nasa isip ko parin ang mga iyon.

"Yap ano bang ginagawa mo?" Napalingon ako kay coach ng bigla syang sumigaw, napakunot ang nuo ko at nagtataka kung bakit hinayaan ko ang bola na bumagsak sa gilid ko.
"Kung may problema ka anak wag mong dadalhin sa loob ng court dahil lahat kayo papalya, isang team kayo at kapag pumalya ang isa damay ang lahat." Napayuko ako at bumuntong hininga.

"Nandito lang kami Cap! Laban tayo!" Ngumiti ako kay Janine at tinanguan ang iba. Humingi ako ng despensa kay coach at bumalik sa pwesto ko............ bakit ko nga ba iniisip yun? Pinilig ko ang aking ulo at pumikit ng mariin. Sinikap kong mag focus at itawid ang training namin sa araw na iyon. Inaalalayan ako ng team na para bang alam nilang lutang ako. Nang matapos ang training at nagsiuwian na ang iba.

"Yap pwede ba kitang makausap?" Palabas na ako sa gym ng makasalubong ko si coach. Tinanguan ko siya at umupo kami sa bleachers. "Hindi maganda ang performance mo netong mga nakaraang araw!" Hindi pwedeng ganito rin bukas! May problema ba?" Napayuko ako dahil alam kong may mali sa akin this past few days. "Ilabas mo yan! Dahil hindi ka matatahimik hanggat hindi mo nasasagot yang problema mo!" Napatingin ako kay coach na nasa kabilang bleachers naka tingin.

"Coach diba may asawa kana! Gaano no sya kamahal? Hindi ba nakakagod mag mahal?" Napalingon sya sa akin at ngumiti.

"Hindi nasusukat ang pagmamahal Rayne! Kagaya ng kung bakit mahal natin ang isang tao!" Tumingin muli sya sa harapan. "Kung napapagod ka nang magmahal, balikan mo kung paano kayo nagsimula, kung paano mo minahal itong taong ito."

Napayuko ako dahil tinamaan ako sa sinabi ni coach, bakit nga ba ako nangangamba?

"Sa totoo lang coach natatakot ako! Natatakot ako na baka isang araw, mawala sa akin yung isang tao na minamahal ko! Baka hindi ko kayanin!"

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon