Chapter 21

34 8 0
                                    




*RAYNE*





Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa hospital na nasa maayos na pag-iisip. Malalim akong bumuntong hininga bago lumabas sa kotse ko. Pagpasok ko sa loob ng hospital ay binati pa ako ng ilang impleyado ngunit hindi ko nagawang suklian ang mga iyon. Sinabihan agad ako ng nurse kung nasaan ang kwarto ng kapatid ko.






"VIP Room 127 po ma'am!" Ngumiti sa akin ang nurse na tinanguan ko naman. Lutang ang isip ko hanggang sa makapasok ako sa elevator, maraming bakit, paano at anong dahilan ng mga nakita ko. Bakit nya ito ginawa sa amin, paano nya nakayang magpakasaya habang kami walang alam at anong dahilan nya para gawin to. Napahinto lang ako sa malalim na pag-iisip ng bumukas ang elevator. Paglabas ko ay tinungo ko agad ang kwarto ng kapatid ko papasok na sana ako ng makarinig ako ng hikbi mula sa loob.





"I saw dad last night." Rinig kong sabi ni Bryte mula sa loob. Nahinto ang pagpihit ko sa doorknob at yumuko, 'She knew?'.





"Don't tell anyone about it." Kumuyon ang kamao ko nang sabihin yun ni kuya, bakit? Bakit ayaw nyang malaman namin?






"Tell what?.....that dad has a mistress? That he is cheating on our mom? Cheating on us." Sumisigaw na si Bryte sa loob ngunit hindi ko magawang buksan ang pinto at pumasok. Gusto ko rin umiyak ngunit hindi ko magawa, nagagalit ako pero mas nangingibabaw ang awa sa nanay ko at sa sarili ko.






"Please calm down Bryte, calm down!" Pumasok na ako sa loob ng tahimik at tinignan silang dalawa na tila hindi ako napansin.





"Tell me kuya! 'kelan mo pa to alam? 'Kelan mo pa ito tinatago sa amin?." Umiiyak si Bryte, nakaupo siya sa hospital bed may mga gasgas siya sa kamay at mukha, bukod doon ay kitang kita ang namamaga niyang mga mata dahil siguro sa puyat o kakaiyak.




"I don't know anything." Matigas na sabi ni kuya.




"Wag mo akong gaguhin kuya." Galit na galit si Bryte, hindi ko magawang kumibo at sumabat sa usapan, nandito lang ako sa gilid ng pintuan nakikinig sa kanilang dalawa. "Alam kong may alam ka..... bakit? Bakit hindi mo sinabi? Bakit mo sya pinagtatakpan?" Humina ang boses ni Bryte at inabot ang kamay ni kuya.





"Ito ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi, look at yourself Bryte. You ruined yourself because of that. Ano na lang 'pag nalaman ni mama at ni Rayne, ako lang ang lalaki sa atin and I don't want my princesses to be hurt."




"You already hurt us!" Nagsalita na ako habang nakatingin sa bintana ng kwarto ni Bryte.




"Rayne." Gulat na tumingin sa akin si kuya ng lingunin ko sya habang si Bryte yumokong umiiyak at binitawan ang pagkakahawak kay kuya. "Alam mo na pala hindi ka nagsabi! Ibang klase." Lumapit ako sa kama ni Bryte at tinignan ang mga sugat niya. Napapikit ako ng hawakan ni kuya ang kamay ko.





"I'm sorry!" Niyakap niya ako, ito yung yakap na hindi namin madalas na ginagawa, bigla akong nanghina 'hindi ito yung approach namin sa isa't- isa, puro kami biruan at tawanan hindi ko naisip na malalagay kami sa ganitong sitwasyon kung saan yayakapin namin ang isa't isa para mag bigay ng comfort at hindi mag asaran.





"Don't think na hindi nya tayo mahal okay?" Hinaplos nya ang buhok ko na tila pinapaintindi sa akin ang lahat.




"Tsk! Pwede ba Kuya? Stop defending him! We are old enough to understand what's going on. Tatlo na tayong anak, ano? gusto nya pa ng sampid." Tumawa ng sarkastiko si Bryte habang umiiling.




Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon