Chapter 27

28 5 1
                                    

Six months later.



*RAYNE*



Nagising ako sa ingay ng mga tao sa paligid, nagkakagulo sila, pilit kong minumulat ang mga mata ko ngunit parang ang bigat-bigat. Gumalaw ako ng bahagya para pakiramdaman ang sarili, ang sakit ng katawan ko, ultimo pag hinga ay nahihirapan ako kahit pa may tila tubo na nakakabit sa bibig ko.



"Check her Vitals!" rinig kong sabi ng kung sino, may humawak sa akin at kasunod non ang nakakasilaw na ilaw, hindi ko mawari, hindi ko makita kung ano ang liwanag na iyon, sumara ulit ang aking mga mata , sinubukan kong buksan ngunit mabilis akong napagod gayong 'yun lang ang ginawa ko. Sinubukan kong mag salita ngunit walang lumabas sa bibig ko, 'anong nangyayari sa akin?' hindi ko maalala kong bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon, naaantok na naman ako dahil parang pagod na pagod ako sa hindi malamang dahilan.



"The patient is safe! monitor her from time to time!" ayon ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.





"Baby wake up! sabi ng kuya mo okay kana, please Rayne! mommy missed you so much!" rinig kong bulong ni mommy habang umiiyak.





"Gumising ka na dyan, ginawa mo ng bakasyonan 'tong hospital, ang baho dito amoy gamot!' reklamo si Bryte at sinaway agad sya ni mommy, gusto ko silang makita ngunit ito na naman yung pakiramdam na parang pagod na pagod ako. " what? hindi nya naman maririnig!" reklamo nga ulit. umungol ako ng bahagya dahil yun lang ang kaya kong gawin sinubukan ko ulit na buksan ang mga mata ko at sa pagkakataon na ito ay nagawa ko, mabagal at paunti-unti, puting kisame ang bumungad sa akin.



"Oh my God Bryte! tumawag ka ng doctor bilisan mo!" sigaw ni mommy, nilibot ko ang aking mata sa paligid at ganon na lang ang pagtataka ko dahil may mga apparatus at mga tubong nakakabit sa akin. Napako ang paningin ko kay mommy na aligagang nakatingin sa akin, may pagkakataong lalapit sya at lalayo, parang masasaktan nya ako pag nahawakan, hindi ako makapagsalita dahil na rin sa tubong nakakabit sa akin, ang sakit sa lalamunan. Maya- maya bumukas ang pinto ng silid kung nasaan ako, maraming proseso ang ginawa nila na hindi ko alam, ang tangin alam ko...masakit ang katawan ko na ultimo paglunok nakakapagod. Pagkatapos akong asikasuhin ng mga doctor at nurses kinausap nila si mommy na hindi ko masyadong narinig, ganon na lang ang pagbuntong hininga ni mommy at tumango sa doctor.





*WINTYR*





"Makakarecover pa naman sya diba?" tanong sa akin ni mom habang nakatingin kay Rayne, mahimbing itong natutulog, tatlong linggo na ang nakararaan nang magising ito. Umiwas ako ng tingin at umupo sa sofa malapit sa higaan ni Rayne. I look at my sister, magaling na ang mga sugat niya ngunit hindi mawala sa isip ko kung anong itsura niya nang idala siya dito sa hospital.





" Malaki ang bali sa paa nya mom, madaming nadislocate sa katawan niya dahil sa aksidente... we almost lost her." natigilan ako nang maalala ang oras na napanuod kong ibaba sa abulansya ang kapatid ko. Halos hindi ko sya makilala sa daming sukat ng katawan niya... I thought hindi sya makaka survive, paulit-ulit kong sinisi ang sarili ko ng hindi ko sya hinanap ng gabing umalis sya. Napapikit ako nang mariin ng maalala ang panahon na nag aagaw buhay siya sa kamay ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko, sa dami ng pasyenteng ginamot mo, tila sa kapatid ko ako nag dought sa kakayahan ko, I thanks God dahil hindi nya hinayaang sumuko ang kapatid ko. "Everything is okay mom, under observation na lang siya pero... 2 to 3 years bago siya totally maka recover."





I look down nang marinig ko ang mahinang paghikbi ni Mom, kahit ako nasasaktan, 'naging selfish ba ako dahil hinayaan kong mangyari ang lahat ng ito? kasalanan ko ba lahat? I just want to protect them pero parang hindi ko na lang dapat ginawa, I can't take seeing my mom crying at night, seeing Bryte partying all night just to be happy and forget everything happened to us for one time. Seeing Rayne in a coma suffocates me. Masama ba akong kapatid dahil hindi ko sila kayang protektahan?' Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko at lumapit kay mommy, I hug her, this is too much pero hindi ko magawang manisi sa nangyayari.Mas gugustuhin ko pang sisihin ang sarili ko dahil iyon ang dapat.





Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon