Chapter 10

37 13 1
                                    

*RAYNE *


"Bakit namumula ang tenga mo?" Tanong ko kay Frank, nahihilo na ako pero alam kong hindi ako lasing.

"L-lasing k-kana kung ano-anong sinasabi mo!" Umiwas sya ng tingin at kinuha ang isang bote ng beer at nilagok yun ng tuloy-tuloy. Kumunot naman ang nuo ko sa kanya.

"Totoo naman ah! You must be suffering from a lack of vitamin Me!" Nadura nya ang iniinom nyang beer, umayos sya ng upo at humarap sa akin, umiling-iling sya na para bang may gusto syang sabihin. "Tsk may pasabi-sabi ka pang m-mi p-piaci! Parang tanga!hindi na lang sabihin na gusto kita ganon!" Napamaang sya sa sinabi ko at biglang sumeryoso.

"Lasing ka lang Rayne!" Seryoso nyang sabi bago uminom ulit ng beer, namumula pa rin ang tenga nya.

"Sabi na joke mo lang yun ei!" Tumayo ako dahil bigla akong nahiya sa kanya, siguro nga pinagtritripan nya lang ako nong nakaraan, masyado lang akong nag assume na gusto nya nga ako, tumalikod ako sa kanya at aalis na sana nang hawakan nya ang kamay ko.

"Saan ka pupunta?" Nakunot nuong tanong nya sa akin.

"Wala kang paki alam!" Naiiyak kong sigaw sa kanya bago lumabas ng Bar at dumiretso sa Kotse ko.

"Rayne sandali!" Sigaw nya sa akin ngunit hindi ko sya nilingon, hinahanap ko ang susi ng kotse ko sa bag ngunit hindi ko makita. Lentek naman asan na ba yun?.... Hinila nya ang kamay ko at hinarap sa kanya, yumuko lang ako dahil nahihilo ako. "Rayne" Pagtawag nya sa akin ngunit hindi ako kumibo. "Sorry na!" Malambing na sabi nya, ngunit hindi ko pa rin sya pinansin. Anong nangyayari sayo Rayne ang arte mo ngayon hanep ka. Ipinilig ko ang ulo ko at tumalikod ulit sa kanya. "Ano bang gusto mong sabihin ko?" Mahinahon nyang tanong sa akin.

"Wala!" Masungit na sabi ko at hinanap ulit ang susi ng kotse ko. Naiiyak ako sa di malamang dahilan.

"Rayne!" Seryosong tawag nya sa akin.

"Ano?" Iritabling tanong ko at humarap sa kanya, humikbi ako na parang bata naiiyak ako sa inis,Hindi sya agad sumagot at tinitigan lang ako, tatalikod na sana ako ng magsalita sya.

"Oo gusto kita!" Seryosong sabi nya,  lumapit sya sa akin , Hinawakan  nya ang pisngi ko at pinupunasan ang mga luha ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Tangina sapakin ako ngayon din.

"Ano!" Kinagat ko labi ko para pigilang ngumiti kaso hindi ko kinaya. Hanep yun palang kinikilig na ako.

"Ano!" He mocked me. Tumawa ako parang tanga. "Ang panget mong umiyak!" Nakangiting sabi nya. " panget ka na nga pumangit ka pa lalo! lugi ka!" Hinampas ko ang kamay nya ng sabihin nya yun.

"Pakayabang mo! Ako lang to! Crush mo!" Mayabang na turan ko at tinuyo ang mga natitirang luha sa mga mata ko, hinila nya naman ako at ginulo ang buhok ko.

"Kape muna tayo para mahimasmasan ka!" Hinila nya ako papunta sa kotse nya.

"Hoy teka pano kotse ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ipapakuha ko bukas!" Balewalang sabi nya bago ako inalalayan  papasok sa kotse nya.  "Sa Cafe's Caśa tayo! Masarap hot chocolate nila doon!" Nakangiting sabi nya.

"San yun!" Nakakunot nuong tanong ko. Tumawa naman sya.

"Yung totoo Rayne! Taga dito ka ba!" Tumatawa parin sya, Binigyan ko naman sya ng bored look. "Hays sige  after ng laro sa sunday igagala kita!"

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon