38

1.8K 25 0
                                    

Mika Pov

Maaga ako nagising para na din maipagluto ang dalawa. May mga pasok pa kasi school and work sina Vic at Myhca.

Nang matapos ako sa pagluluto agad ako naghain. Pagkatapos kinatok ang pinto ni Myhca para makakain na ng agahan.

Sunod kong ginising si Vic. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay tulog pa din siya.

Hinalikan ko siya labi. "Muah. Love gising na. May pasok ka pa." At hinalikan ko ulit siya. "Aaaahhh. Viiic." Sigaw ko. Bigla niya kasi akong niyakap saka mabilisang inihiga sa kama.

Ngayon nasa ibabaw ko na siya. Magkatitig lang lang kaming dalawa. Yung titig na sapat na para maintindihan mo.

"Goodmorning Love. Iloveyou." Sabi ni Vic saka ako hinalikan sa labi. Agad ko naman tinakpan ang bibig ko at ilong. "What's wrong?" Tanong niya.

"Amoy alak ka pa Love. Maligo ka na kaya muna. Tapos labas ka agad para makapag agahan tayo." Umalis naman siya sa ibabaw ko at saka tumayo sa kama.

"Oo nga love. Sige ligo muna ako ah." Pagpapa alam ni Vic. Inayos ko naman ang higaan naming dalawa. Saka ako lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto nakita kong nakapaligo na din si Myhca at naka upo na din sa hapag.

"Goodmorning mommy."

"Goodmorning din anak. Sige na kumain ka na dyan." Sabi ko kay Mhyca.

Tinimplahan ko muna ng kape si Vic. Pagbalik ko sa lamesa nadatnan ko si Vic na papaupo. "Love oh." Paglapag ko ng kape sa harapan niya.

"Thanks love." Saka niya hinawakan ang kamay ko.

Napansin kong panay ang text ni Mhyca. Halos di nagagalaw ang pagkain. "Mhyca ano ba yan. Kumain ka nga muna. Sino ba yang katext mo?" Sita ko kay Mhyca. Agad naman niyang itinago ko ang fone niya.

Nang makabalik kasi kami dito sa Pilipinas binilhan siya ni Vic ng phone para may communication daw kaming tatlo.

"Love hayaan mo na. Baka mga kaklase lang niya ang katext niya." Si Vic. Nasabi ko ba na si Vic ang laging nang i spoiled ka Mhyca? Na mahilig mangunsinti? Kaya minsan malakas din loob niyan ni Myhca eh.

"Tinatanong ko lang naman Love." sagot ko kay Vic.

"Mommy. Dada. Ano po kasi. Ahm. Si tita Cienne po nag aaya po. Magmo mall daw po kami mamaya pag tapos ng klase ko po. Ok lang po ba?" Pagpapaalam ni Mhyca. Nilingon ko si Vic na patuloy lang sa pagkain niya.

Nang nilingon ko si Myhca halata sa mga mata niya na takot siya. Although papayagan naman siya. Ayaw lang kasi ni Vic na ginagabi si Myhca kahit pa na isa sa mga bullies ang kasama niya.

Okay lang na gabihin si Myhca basta kami ni Vic ang kasama niya.

"Anong oras naman kayo uuwi? Ano daw ba gagawin niyo sa mall?" Tanong ko sakanya.

"Movie lang po kami mommy. Tapos kaen na din sa labas." Sagot niya sakin. Nagnod naman ako saka sinulyapan si Vic.

"Love." Tawag ko kay Vic saka ko hinawakan ang braso niya. Nilingon niya ako at saka ako ngumuso sa direksyon ni Myhca.

Nilingon naman siya ni Vic. Ilang segundo lang nagkatitigan lang sila ni Myhca saka nag nod si Vic.

"Be sure di ka gagabihin Myhca ah." Bilin ni Vic kay Myhca.

"Yes Dada. Thankyou. Mommy thankyou." Saka kami niyakap at hinalikan ni Myhca.

"Sige na. Tapusin mo na yang pagkain mo. Para makapag ayos ka na." Si Vic. Sinundan ko naman siya sa kwarto.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon