27

1.7K 27 1
                                    

Ara's Pov

Nakapagpahinga na din kami. Grabe ang pagod ko. Nandito ako ngayon sa likod bahay ng privatepool ng isa sa mga business partner ni Dad.

Bigla kasing sumikip ang dibdib ko kaya nandito ako ngayon. Para kasing pinipiga ang puso ko kaya sobra ang sakit.

Bawal pala sakin ang mapagod. Kasi diba nga naghabulan kami ng mag ina.

May nireseta ding gamit sakin kapag kumirot siya. Kaya madalas ang inom ko nun kapag palaging sumisikip ang dibdib ko. Totally healed na ako. Pero may times talaga na kumikirot siya lalo na kapag sobrang pagod.

Ngayong ok na ko pumunta na ako kung nasan ang bullies at ang mag ina. Masaya ako at napalapit sakin ang anak ni Mika. Hindi ko lubos maisip na ganito ako magiging kalapit sa bata.

Sa makalawa na ang balik ng bullies at ng ibang LS.

Ako naman. Mag stay muna ako kina Mom and Dad kahit 2 or 3 days lang.

"Hi guys." Bati ko sakanila. Lahat naman sila napatingin sakin.

"Kain na Vic. Saan ka ba galing?" Tanong sakin ni Mika.

"Sa kwarto lang. Nagpahinga saglit." Pag alibi ko.

"Nanggaling ako dun wala ka naman ah." Sabi ni Mika.

"Baka nasa CR ako nung nagpunta." Pagsisinungaling ko kay Mika.

"Baby girl bakit di ka pa kumakain?" Pag sita ko kay Myhca.

"Tita Ara I saw you sa likod ng bahay. What's wrong?" Malungkot niyang sabi sa akin.

Nakita kong napalingon sila sakin. Na nagtataka.

"Ah eh. May kinuha lang ako dun bago ako magpunta dito." Pagsisinungaling ko ulit sakanila.

Di na sila umimik at nagpatuloy na lang kami sa pagkain namin. Mamaya after namin kumain mag bonfire daw kami.

Nagpahinga muna kami sa kanya kanya namin kwarto dahil na din sa katatapos lang kumain.

Hiwalay ang kwarto ko sakanila. Ako ang nagrequest na mag isa lang ako sa kwarto ko. Mahirap na. Baka mamaya sumikip na naman ang puso ko nito. Basta lang.

Nakahiga na ako dito sa kama ko ng tumawag si Mika.

"Hi daks." Bungad ko sa kanya.

"Tita Ara. Hindi po to si Mommy. Miss na kita Tita Ara." Si Myhca pala. Myhca is so sweet. Di katulad nito ni Mika. Minsan lang maging malambing. Hahaha.

"Hi baby girl. Miss na din kita. Saan ka niyan?" Tanong ko sakanya.

"Im here sa labas ng kwarto mo Tita Ara." Oh nasa labas pala siya. Agad naman akong tumayo at pinagbuksan siya.

"Patay mo na yang phone baby girl. Pasok ka." Pag aya ko sakanya.

Agad naman siyang tumakbo sa kama ko at nahiga.

"Hey. What's wrong baby girl?" Tanong ko sakanya ng makatabi ako sakanya sa paghiga.

"Tita Ara. Wag mo kaming iiwan ah. Wag mo ko iiwan Tita Ara ah." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Myhca. Di pa man ako nakakasagot sa sinabi niya niyakap na niya ako.

Niyakap ko na lang din siya at hinalikan sa ulo. Di ko namalayan na pareho na pala kaming nakatulog.

——————

Mika's Pov

Nagkanya kanya kaming pahinga kaya kami ng anak ko dumiretso sa kwarto namin. Masyado ata akong napagod dahil paghiga ko palang agad akong nakatulog.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon