3

2.3K 19 0
                                    

Mika's Pov

Katatapos lang ng isang shoot ko. Im on my way to my condo. Myhca is still at school. Mamaya ko pa siya masusundo dahil na din dun kami magdidinner sa restaurant nila Kim.

Nang makarating ako sa condo ko agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Nahiga ako at pumikit.

Walang araw na di ko naiisip si Vic. Di ko alam. Kung paano ko pawawalain sa isip ko si Vic.

I remember last time I was in the bar ng mapalingon ako sa isang tao. Halos di siya mawala paningin ko. I though she's Ara. But Im wrong. Kahawig lang pala niya.

Itinuon ko ang paningin ko sa counter at saka uminom ng ladies drink.

Di naman sa stress. Pero feeling ko lang kasi this time parang gusto kong maginom at pagdating ng bahay tulog agad.

Back to reality. Tiningnan ko ang oras at nakita kong oras na para sunduin siya sa school niya. Nagbihis ako at nag ayos. Saka lumabas ng condo ko.

Malapit na ako sa hallway ng may nakabanggan ako.

"Sorry miss." Agad siyang nag gesture na kamay na parang aapir. Ngumiti na lang ako at nag nod.

Tinahak ko na ang papasok sa elevetor at nag pindot papuntang basement kung saan dun naka park ang kotse ko.

Binabagtas ko na ngayon ang taft going to la salle. Diba nga sabi ni Myhca gusto niya la salle siya mag aaral.

Nang makarating ako sa la salle nagtext na lang ako kay Myhca na nandito ako malapit sa jollibee. Di naman nagtagal ay agad ding dumating si Myhca.

"Hi Mommy." Bati sakin ni Myhca at saka ako hinalikan sa pisngi.

"How's your day?" Tanong ko sakanya habang nag start ng engine ng sasakyan ko.

"Okay lang po. My lapit na pala 2nd anniv ng charity. Ano plano niyo po?" Tanong niya sa akin habang may binabasa sa mga notes niya.

"Well kaya tayo pupunta kina Tita mo Kim dahil na din yun ang paguusapan." Sagot ko habang binabagtas ang roxas blvd papuntang Parañaque.

"Hmmm. Sige po My." Sagot niya sakin.

Ngumiti na lang ako saka ako nagfocus sa pagddrive ko. Ano nga ba ang balak namin para sa 2nd anniv ng foundation? May 27 kaming inaalagaan dun. Masyado na yun marami. Hanggang 30 lang din kasi limit namin para sa mga bata.

Nang makarating kami sa resto nila Kim agad ng nag ayos ang anak ko para sa mga gamit niya. Iniwan na lang yun sa kotse at saka lumabas.

Magkasabay kaming pumasok at tinungo ang isang private room. Which is for us lang. For bullies lang.

Pumasok kami at nandun na din ang Kambal at Carol. Pati na din sina Kim at Mela.

"Buti naman nandito na kayo." Sabi ni Kim na halatang problemado.

"Oh bakit? Anong problema?" Sagot ko naman sakanya.

"Upo na muna kayo. Nakapag pareserve na din ako ng foods natin." Sabi niya habang may hawak na papel.

Isa isa niya yun binigay samin at ng mabasa ko nabigla ako.

"What is this?" Tanong habang di pa din naalis ang mata ko sa papel.

"Kain na muna tayo." Dumating na pala ang pagkain namin. Nakita ko sina Kambal at Carol kasama na din sina Kim at Mela na nag sisipagkuhaan ng mga pagkain nila.

Si Myhca naman tahimik lang. Pero kumakain na. Binigyan na siya ng pagkain ng Tita Kim niya.

Alagang alaga talaga siya ni Kim ever since na magkita sila sa US. Kaya naman tuwing nagkikita kita kami si Kim ang nag aasikaso kay Myhca.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon