30

1.5K 24 4
                                    

Ara's Pov

Nandito ako ngayon sa resthouse ko. Dito muna ako. Since sabi ng doctor kailangan ko magpahinga. Kailangan maging normal na ulit ang kundisyon ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Sinundan ko lang ng tingin yung ginawa niya. Nilapagan niya ako ng pagkain dito sa lamesa habang nakatingin ako sa malayo.

"Ok naman na. Salamat Bang." Nakangiting sabi ko habang hinawakan ko ang kamay niya ng maka upo siya sa tabi ko.

"Wala yun." Sagot niya saka siya tumingin din kung saan ako nakatanaw.

"Kamusta naman pakiramdam mo? Masakit pa din ba mga labi mo?" Tanong ko sakanya. Nagbuntong hininga lang siya saka siya lumingon sakin at ngumiti. Nagnod siya just to say she's fine.

"Ikaw nga dapat ang asikasuhin dyan dahil sa nararamdaman mo. Masyado mo naman kasing inabuso ang sarili mo." Sabi niya sakin.

"Ok naman na ako ah. Dapat nga ikaw eh." Sabi ko sakanya. Actually nakita ko lang siya dito sa verenda. Kahit sino pwedeng makapasok dito since kilala ng caretaker ko.

Nung 2nd day ko dito may napansin akong nakaupo sa veranda. Nilapitan ko siya saka ko narinig na parang umiiyak siya. Pero mahina lang.

Kasama ko dito yung caretaker ng resthouse ko. Bali siya ang nag aalaga sakin dito. Kaya naman pumayag yung parents ko na dito ako magstay. Eh di ko alam kung ako ba ang aalagaan o mag aalaga ako eh. Hahaha. Di joke lang.

Nakita ko kasi siya na umiiyak at putok ng labi. Kinuwento niya na nag away daw sila ni Julls. Araw-araw daw sila nag aaway.

Di naman na ako nagdemanda sa nangyari dahil na din kay Bang. Bang is still a part of my life. May special part pa din naman siya sa puso ko kahit papano.

"So. How's you and Mika?" Sabi niya ng mag zip siya sa juice niya.

"Okay lang naman. Hahaha." Yun lang nasagot ko. Hindi ko alam kung tama bang ikwento ko yung mga nangyari nung nasa US kami.

Para ko na din sigurong binastos nun si Bang. Kaya yun na lang ang sinagot ko sakanya.

"Maigi naman." Yun lang din ang sagot niya. "Pasok muna ako sa loob Vic." Ngumiti siya pero ramdam mo na pilit lang yun. Siguro dahil masakit pa din ang labi niya. Siguro masakit para sakanya ang nangyayari para sakanila ni Julls. Pero ramdam ko na parang nasasaktan pa din siya dahil sa nangyayri samin. Sa nangyari saming dalawa.

Ngumiti lang ako sakanya saka nagnod. Wala naman akong masabi. Kasi ramdam ko na parang ang awkward kasi namin. Oo nga't nandito siya. Kasama ko siya. Pero ang awkward pa din kasi.

Mag isa na lang ako ngayon dito. Ramdam ko ang lamig ng hangin. Matagal tagal na din pala ng iwan ako dito ni Bang.

Tumayo ako saka ako tumingin ng pwedeng lutuin para sa dinner namin ni Bang. Goodthing at may stock dito.

So I cooked kaldereta. I know naman na mas gusto ni Bang ang lutong bahay kesa yung mga foods sa restaurant.

So I set the table. Hmmm. Nakahawak ako ngayon sa baba ko. Iniisip ko ano pa ba ang kailangan kong idagdag para sa dinner namin ni Bang.

So naglagay ako ng kandila. Then music. I know na common na to. Pero mas unique kasi kapag ganito. Yung mag se set up ka ng dinner with candle light tapos may music. Yung effort syempre diba. Ewan ko na lang kung di pa ma aappreciate to.

So nagbihis na din ako. Bago ako lumabas ng kwarto ko nag last look muna ako sa salamin.

Pogi na. Nyay. Nang makalabas ako tiningnan ko muna ang table then yung music. On cue tutugtog yung player.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon