33

1.5K 27 6
                                    

Ara's Pov

Nakabalik na din ako dito sa manila. Si Bang hinatid ko muna sa mom niya. I think she's fine now. So far.

"Ara. Buti naman nagpakita ka na." Si Kim. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Dito kami manggagaling papuntang charity.

"Ikaw naman Kim. Alam mo naman diba." Nagyakap kami saka nag apir.

"Oo nga. Di ka naman nagpaparamdam. May dalawang tao lang naman ang nag alala sayo no." Para naman akong tinusok nun.

Oo. Nagpakasaya lang ako. Hindi ko naisip ang mag ina. Sabi ko nga diba. Hindi ko naalala that time si Mika dahil kay Bang.

Ayoko kasi na mag alala sila dahil sa kalagayan ko. Kaya mas pinili ko na talaga na hindi sila kontakin. Sad to say hindi ko nga kinontak. Nakalimutan. Ay hindi. Nawala talaga sila sa isip ko.

"Sorry naman. Alam mo naman Kim diba."

"Oo nga Ara. Alam ko. Pero nagi guilty na ako. Panay na kasinungalingan ang ginagawa at sinasabi ko kay Mika. Nagagalit na si Mela sakin. Bakit hindi ko pa daw sabihin ang totoo." Mahabang sabi niya.

"Sorry Kim. Tatawagan ko na lang sila."

"Maigi pa nga. Dapat yan ang unang ginawa mo."

"Oo na Kim. Wag ka na magalit dyan." Sabi ko sakanya. Halata kasi sakanya na inis siya.

"Hay naku. Ikaw talaga Ara. Ano ready ka na ba?" Tanong niya sakin. Linggo ngayon at pupunta kami ng charity.

"Oo kanina pa. Kotse ko na lang ang gamitin natin." Sabi ko sakanya.

"Okay sige. Sunod na kami. Tawagin ko lang ang mag ina ko." Saka siya tumalikod sakin. Ako naman nagpunta na sa labas ng bahay nila para makapunta na sa sasakyan ko.

Sa loob na lang ako nag antay at inistart ang engine. Kawawa naman ang inaanak ko. Baka umiyak kapag nainitan.

"Hi FO." Bati ni Mela sakin ng makapasok sila sa kotse ko.

"Kamusta FO? Veryhands on ka sa inaanak ko ah." Sagot ko naman sakanya.

"Naku Ara. Kulang na lang talaga magselos na ako sa anak namin. Kasi sakin wala ng oras yan." Sagot naman ni Kim ng maka upo siya sa tabi ko saka kinabit ang seatbelt niya.

"Panget ano ka ba. Pati ba naman bata." Inis na sagot ni Mela. Natatawa na lang ako sakanilang dalawa.

Umiling na lang si Kim saka ko pinaandar ang sasakyan. Kwentuhan lang kami habang nasa byahe. Hanggang sa nakarating kami ng charity.

"Carol." Bati ko kay Carol ng makita ko siyang inaayos ang ilang gamit dito sa office niya.

"Ara." Sagot niya sakin. Nagbeso kasi saka nagyakapan.

"Kamusta ka na?"

"Ok lang. Ikaw dito?"

"Ok lang din. Di ka nagpaparamdam sa mag ina." Seryoso niyang sabi sakin.

"Oo nga eh."

"Tumawag ka na ba?"

"Di pa. Maya na lang pagdating sa bahay."

"Sigurduhin mo Ara. Dahil alalang alala sayo yung dalawa. Kung alam lang namin kung nasan ka sinabi na namin. Kaso kahit samin di ka din nagpaparamdam." Mahaba niyang sabi sakin.

"Pasensya na. Tara na." Pag aaya ko sakanya. Kasi naman hahaba lang ang usapan. Hahaba lang ang matatanggap kong sermon.

Dumating na din ang kambal. At ganun din sila sakin. Sermon at sermon.

Maayos naman ang naging activity namin dito sa charity. Nag kayayaan sa restaurant nila Kim. Kahit malayo okay lang. Sama-sama naman kaming lahat. Wala nga lang sina Mika.

Hinatid ko muna sina Kim since wala silang dalang car. Along edsa ang way ko. Parang gusto ko kasi tumagal sa kalsada. Naguguluhan na kasi ako sa nararamdaman ko.

Heto na naman ako. Naguguluhan sa nararamdaman ko. Di ko alam kung bakit. Pero alam ko wala talaga akong dapat ikagulo ng isip.

Sabi ko gusto ko magtagal sa kalsada pero nakarating agad ako dito sa malate. Wala din kasing traffic. Kaya naman nagtungo muna ako sa bar.

I checked the bar and okay naman ito. Tiningnan ko ang stock at ang sales. Malapit na din pala ang december kaya pala medyo tumataas ang sales namin.

Umakyat na ako sa bahay ko saka ako nagpahinga. Maaga pa para bukas. Babalik na din ako sa trabaho ko para maayos ang dapat maayos.

—————

Kim's Pov

Inaayos ko na ngayon ang hihigaan ng baby namin. Si Mela kasi pinapatulog pa ang bata.

Pagod din yan si Mela. Kahit di niya ipahalata alam kong pagod yan. Di man niya masyado nahawakan ang bata, abala naman siya sa pag aasikaso sa ibang bata sa charity.

"Panget tulog na ba siya?" Tanong ko ng makalapit ako kay Mela.

"Oo nget. Kunin mo na para matimplahan na kita ng gatas." Yes. Pampatulog ko. Kahit anong hilig ko sa kape gatas pa din ang pampatulog ko.

Kinuha ko naman ang baby namin. Saka ko hinele ulit para pag lapag ko sakanya sa crib tuloy-tuloy ang tulog niya.

Halos 30mins na ng mailapag ko ang bata. Pero wala pa din si Mela. Lumabas ako ng kwarto at hinanap siya.

I saw her sa sofa. Nakatulog na pala siya dito. Hinawi ko ang buhok niya saka ko hinalikan sa noo. Pagod nga siya.

Binuhat ko siya hanggang sa makarating kami sa kwarto namin. Inayos ko siya ng higa at kinumutan.

Napansin kong nag vibrate ang phone ko at umilaw ng makita ko sa side table. Si Mika tumatawag. Bago to. Hindi ganitong oras tumatawag si Mika.

"Hello Mikang." Bungad ko sakanya.

"Hi Kim. Kamusta?"

"Ayos lang. Ikaw dyan? Kayo dyan ni Myhca? Napatawag ka?"

"Wala naman. Ano kasi... Si Myhca nagtatampo na kay Ara. Till now di pa din kasi kumokontak eh." Sinasabi ko na nga ba eh. Ang sabi ko sakanya gawin na niyang tumawag eh.

"Ganun ba? Teka ako na lang ang tatawag kay Ara para sabihin yan."

"Salamat Kim ah. Regards na lang sakanila Kim."

"Oo. Sige ingat kayo ah."

"Oo. Kayo din." And she ended the call. Napa iling na lang ako. Ara talaga. Ano ba yang ginagawa mo? Ano ba talaga yang gusto mo? Ano ba talaga ang balak mo?

Pati kami nahihirapan sayo. Di na namin alam ang gagawin. Tsk tsk.

—————

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon