6

1.8K 19 0
                                    

Kim's Pov

Nandito ako ngayon sa charity namin. Inaayos ang adaption paper para sa baby na gusto ni Mela. Ilang araw ko na din tong ginagawa. Hopefully maayos agad. Im with Carol na inaayos din ang ibang papeles.

"Ay Kim meron palang sulat sayo dito." Nakita kong hinanap ni Carol ang sulat na sinasabi niya para sakin.

"Ito oh. Actually para sa inyo to ni Mela. Dito naka address eh." Sabi niya at kinuha ko naman yun.

"Eh bakit hindi sa bahay niya inaddress to? Teka lang ah." Binuksan ko ang sulat at laking gulat ko ng makita ito.

Trip for two to Paris.

Hala. Ano to? Teka may sulat pa.

To Miss Kim and Miss Mela Fajardo,

   We give you the trip to Paris for 3days and 2nights for your wedding gift. We're sorry if late the gift but hopefully you can accept this gift. And we would like to thank you for accepting our company for being a sponsor to your charity.

   Thank You and safe trip.

From:

Civ Group of Company.

Hala. Ang galing. Tamang tama. Mag 1month na kaming kasal ni Mela. Sakto to.

"Bakit nakangiti ka dyan?" Tanong ni Carol sakin.

"Hahaha. Wala. May ticket kasi ako dito na trip to paris for two. Sakto naman at mag 1month na kaming kasal ni Mela. And hopefully maayos natin tong adoption paper para maging masaya na si Mela at di na bored. Hehehe." Tatawa tawa kong banggit kay Carol

"Hahaha. Hoy ano ka. Kami din no. Kanina lang yan" Langya. Akala ko naman kami lang.

"Hahaha. Eh di mas maganda. Sama sama tayo sa Paris. Yes." Sabi ko kay Carol na nakangiti.

"Oo nga. So let's celebrate. Sa resto niyo na lang? Bet?" Tanong naman ni Carol.

"Sure. Tara na." Yaya ko kay Carol.

Tinawagan ko naman si Mela para magkita kita kami sa resto at dun na kumain. Tinawagan na din ni Carol ang iba para magkita kita na lang kami sa resto.

"Si Mika daw mamaya pa ang tapos ng shooting. Sunod na lang daw siya. Si Myhca naman asa klase pa sabi ni Mika. Tinawagan ko din si Bang at after class daw deretso daw siya sa resto niyo." Sabi ni Carol habang chinecheck ang phone.

"Sige. Dun na lang muna tayo sa resto hanggang dumating sila." Tumango naman siya at nagdrive na din ako papuntang resto namin.

------

Bang's Pov

Im on my way to Parañaque. Dahil dun ang resto nila Kim. Medyo matraffic gawa na din na ginagawa ang kalsada.

Nagtext ako kay Julls na papunta ako kina Kim at pumayag naman siya. Mabuti naman at di na siya nakipag talo pa.

Nyay. Malapit na din ako sa wakas. Kapagod mag drive ah. Ang traffic. Pinark ko agad ang sasakyan ko at agad ding lumabas.

Pumasok ako sa resto nila Kim at dumeretso kung nasan sila.

"Hi. Im sorry Im late. Medyo matraffic lang eh." Bati ko sakanila. At isa isa ko silang bineso. Wala pa si Mika. Wala pa din si Myhca.

"Saan si Myhca at Mika?" Tanong ko sakanila habang papaupo sa upuan na napili ko.

"Papunta palang. Si Mika na din ang magsusundo kay Myhca. Since malapit kina Myhca ang shooting nila Mika." Sagot naman ni Camille. Tumango na lang ako saka inisa isa ang tingin sa kanila. Si Cienne halatang malungkot. Bakas sa mga mata niya na malungkot at parang nasasaktan.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon