31

1.3K 20 1
                                    

Kim's Pov

Hay. Ano ba gagawin ko? Panay na ako kasinungalingan kay Mika. Nagagalit na si Mela sakin. Bakit daw di ko pa sabihin kay Mika ang totoo. Eh ano ba gagawin ko? Ayaw ni Ara na ipaalam kay Mika ang kalagayan niya.

Kasi naman. Akala ko talaga totally healed na siya. Tapos ganito? Hay naku.

Ngayon nasa resthouse niya siya. Dun siya nagpapahinga. Kahit gustuhin ko man na puntahan siya wala ring time.

Abala ako sa restaurant namin at sa bar ni Mika. Yung kay Ara naman kaya pa naman kahit di masyadong tingnan ng tingnan yun eh.

"Panget. Si Mika tumatawag." Nandito kami ngayon sa bahay. Every saturday di ako nagpupunta ng restaurant or bar. Bahay lang. Dahil pag sunday sa charity kami.

"Nandyan na." Sagot ko. Kasi naman nandito ako sa garahe at inaayos ang sasakyan namin.

"Hello Mika." Bungad ko ng mahawakan ko ang phone.

"Kim kamusta na?" Sagot naman sakin ni Mika. Hindi nakakalimutang tumawag ni Mika saming mga bullies. Dahil na din sa bilin ni Ara na laging kumontak sa isa't isa.

"Ayos naman. Kayo dyan? Lapit na kayong umuwi ah." Sagot ko naman kay Mika.

"Oo nga eh. Excited na din tong si Myhca. Malamang nito panay na ang kwento sa inyo about sa bakasyon niya with her dad and family." Yes. Kinuha niya rin ang suggestion namin. Importante pa din kasi ang opinion and advices namin for her and for Myhca.

Si Ara? Wala siyang paramdam. Kasi alam ko nagpapahinga yun. Alam ko naman na sa kabila ng pagtawag nito ni Mika si Ara talaga ang pakay niya.

"Uy. Maganda yan. Atleast nagkakaron na ng time ang mag ama. Mabuti naman at sinunod mo ang payo namin."

"Oo. Alam ko ganito din ang gusto ni Ara. Yung kaligayahan ni Myhca ang importante. And wala naman ibang nangyari. Masayang umuwi si Myhca dito sa bahay." Sagot niya sakin.

"Talaga? Malamang niyan panay kwento yan siya."

"Oo nga. Halos inabot na nga kami ng gabi eh. Ay ano Kim..."

"Wala pang balita Mika." Pagputol ko sa sasabihin niya. Alam ko naman ang sasabihin niya eh.

"Pasensya ka na Kim ah. Wala kasi talaga akong balita sakanya eh."

"Sus. Ano ka ba. Okay lang no. Ikaw pa."

"Pasensya ka na talaga ah."

"Mika syempre naman mag aalala ka kasi di siya nagpaparamdam. Hayaan mo at pag nagparamdam. Aawayin ko siya. Hahaha."

"Loko ka Kim. Sige na. Salamat ah."

"Sige. Ingat kayo dyan ah."

"Oo. Bye Kim. Regards sa bullies. And sa anak niyo mostly kay Mela. Bye." And she ended the call. Langya yun. Di man lang ako pinagsalita. Basta na lang binaba yung tawag.

Pabalik na ako ng garahe dahil di pa nga tapos yung pag aayos ko ng sasakyan. May naririnig akong ingay banda sa garden. And I saw Mela and our baby.

Ang saya nilang tingnan. Yung makita mo lang na masaya yung taong mahal para sayo sapat na yun para maging masaya ka na din.

Ilang buwan na din ang baby namin. Maalala ko. Malapit na din pala siya mag 1year. Wala pa palang plano.

Siguro this time ako naman ang mag suprise kay Mela. I mean diba. Yung about kay Ara alam niya lahat. So ako naman yung about sa anak namin ako naman ang bahala.

Naisip ko na nandito na din pala sina Mika nun. Dito na din pala sila mag christmas. Mas masaya at kumpleto ang bullies.

Si Camille at yung asawa niya masaya naman silang nagsasama. Si Cienne naman ayun. Still single. Focus na lang daw muna siya sa mga bata at sa store nila.

Si Carol? Walang balita. Di joke lang. Ayun. Focus lang sa mga bata. Sa charity. Anything na may problem hahanapan muna nila ng solusyon. Kapag wala saka nila kami tatawagan para mafix ang problem.

Si Bang? I dont know. Hindi na din siya nagpapakita since ng may mangyaring di maganda kay Ara. Wala naman siyang kasalanan para di siya magpakita.

Although siya ang partner. Syempre nakakahiya yun diba. Kahit di niya yun sabihin ramdam ko yun.

Mukhang pagod na ang mag ina kaya napapansin kong naka upo na silang dalawa. Pinuntahan ko sila at nakita kong natutulog na sila.

So I get my phone. Then kinuhaan ako silang dalawa habang natutulog. Ang sarap pagmasdan. Hinaplos ko ang pisngi ni Mela saka ko hinalikan ang noo niya at ang baby namin.

Ginawa ko namang wallpaper yung picture nilang dalawa. Ang ganda. Napaka peaceful nilang pagmasdang dalawa. Nakakawala ng stress. Nakakawala ng pagod. Ngumiti ako saka ako ipinasok ang phone ko sa bulsa ko.

Bumalik na ako sa kanina ko pang ginagawa. Actually minemaintain ko lang tong sasakyan dahil na din mas maganda kung ayos ang sasakyan para iwas aksidente.

Napalingon ako ng may nag doorbell. Mabilis. Halos hindi humihinto. Agad akong nagpunta sa gate at tiningnan kung sino yung nagdoorbell na yun.

"Ano ba. Sisirain mo ba yung doorbell namin?" Sigaw ko sa taong nakatayo sa harapan ko. Ang isang taong matagal ng hindi nagpapakita.

"Asan si Bang? Ilabas mo si Bang." Sigaw niya sakin.

"Anong asan si Bang? Ano yang pinagsasabi mong ilabas ko si Bang?" Sagot ko sakanya.

"Ilabas mo siya. Alam ko dito lang siya tatakbo. Alam ko dito lang siya mag stay."

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Malamang nag away kayo at hindi na umuuwi sayo si Bang?" Seryoso kong sabi sakanya. Tumahimik lang siya. "Tama ba ako?" Sunod kong sabi sakanya.

"Ilabas mo na siya." Sigaw niya.

"Wala siya dito. At kung nandito man siya hindi ko din siya ihaharap sayo."

"Please Kim. I need Bang. She's all I need."

"Eh yun naman pala eh. Eh di hanapin mo. Wala siya dito."

"Kim ano ba. Ilabas mo na siya." Sigaw niya ulit.

"Makulit ka ba? Nakaka iskandalo ka na. Gusto mo bang ipahuli pa kita?"

"Ipahuli mo. Gawin mo Kim."

"Wag mo akong sinusubukan Julls. Pasalamat ka nga at hindi ka pinahuli ni Ara eh. Pasalamat ka at hindi ka sinampahan ng kaso ni Ara. Pasalamat ka na lang dahil mas iniisip ni Ara ay si Bang. At lalong lalo na. Pasalamat ka dahil nag stay pa sayo si Bang." Yun lang ang sinabi ko. Mahaba pero alam kong sapul siya dun.

Agad din akong pumasok at nakita kong si Mela papalapit sakin karga ang anak namin.

"Panget ano yun? Ok ka lang?" Tanong niya sakin. Halata sakanya na worried siya.

"Oo nget. Wala yun. Ok na." Sabi ko na lang sakanya. Sabay na kaming pumasok sa loob at naglinis na ako ng sarili ko.

After ko naman maglinis ako naman ang mag aalaga sa baby namin. Palitan lang naman kaming dalawa sa pag aalaga sa baby.

Ayaw kumuha ni Mela ng yaya. Gusto niya hands on siya sa baby. Kapag naman aalis na ako or pupunta na ako ng restaurant namin minsan sumasama silang mag ina. Kapag hindi naman magtetext si Mela or ako kapag free time. Tapos mag uusap kami sa phone or viber. Kaya ayun. Hehehe.

----

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon