37

1.8K 27 4
                                    

Kim's Pov

Kita kay Mela ang inis na inis na mukha habang karga karga ang bata.

Sabay kasing inalis ang mga piring nila. Kaya di niya pa din alam na may suprise.

"Kim lapit ka na kay Mela." Si Cienne. Alam ko naman na ang gagawin ko eh.

Lumapit ako kay Mela. At syempre taas kilay niya ako tiningnan.

"Panget." Tawag ko sakanya.

"Ano?" inis niyang sagot sakin.

"Akin na nga si baby." Saka ko kinuha ang bata sakanya. Ang taba taba na niya. Halata mo talagang alagang alaga ni Mela.

"Ano Kim? Bakit ganyan ka? Pati birthday ng anak natin dapat nakakalimutan ha? Ha?" Ohh scary. Natuwa naman ako sa loob loob ko.

"Halika nga. Kumapit ka sakin. May pupuntahan tayo." Sabi ko sakanya habang karga na ang baby namin.

Inis na kumapit siya sakin saka kami nagpunta sa isang puting kurtina.

Nandun na sina Vic at Cienne para tanggalin ang puting kurtina.

Nang marating namin yun sabay na tinanggal ang kurtina nila Vic at Cienne.

At dun lumabas ang dalawang clown. Saka kumanta ng happy birthday.

Ang isang clown may hawak ng cake at nasa harapan namin.

Lahat nagkatahan kahit pati ako kumanta habang hinaharap ko ang anak ko sakin.

Lumingon ako kay Mela na halatang nashock at saka ko ngumiti sakanya.

Nang matapos silang kumanta nag sisigaw sila ng wish. Pumikit kami ni Mela at nagwish kami.

"Sabay natin iblow panget." Sabi ko sakanya ng nakangiti. Ngumiti naman siya sakin.

At dun namin sabay na tatlo binolow ang candle. Isa-isa silang lumapit samin at binabati ang anak namin.

"Akin na nga tong si bunso natin. Medyo si ate mukhang gusto na din magkaron ng kapatid eh. Nagpapahiwatig na. Hahaha." Si Vic. Tatawa tawa niyang sabi.

"Seryoso ba?" Tanong ko kay vic.

"Ay oo no. Gusto nga niya laging pumunta sa inyo. Kaso sabi ko may pasok siya." Saka kinarga ang anak namin.

"Eh di bigyan niyo na. Bakit di niyo bigyan?" Tanong ko sakanya.

"Di pa namin napag uusapan ni Mika yan. Yaan mo sasabihin ko sakanya yun. Dun muna ako ah. Nandun mag ina ko eh."

"Huy ingatan mo ah." Sabi ko sakanya. Nagnod naman siya sakin. Nang maka alis si Vic hinarap ko naman si Mela.

"Panget sorry ah." Pag hihingi ko ng tawad sakanya.

"Bakit? Para saan naman?" Tanong niya sakin.

"Kasi akala mo nakalimutan ko. Na walang ganito." Sagot ko sakanya saka ako humarap at ngumiti sakanya at hinawakan ang kamay.

"Aaminin ko. Nainis ako. Naasar. Nagalit. Kasi 1st bday ng anak natin di mo naalala."

"Kasi si Vic eh. Sorry na po." Saka ko siya hinalikan sa labi niya.

"Ok lang. Masaya naman panget. Thank you for this. So much thank you and for Vic." Sagot niya sakin.

"And also to Cienne panget." Sabi ko sakanya.

"Ay. Kasama din ba siya? Say to her thank you."

"Yes. I will. Iloveyou panget. Ikaw lang at ang baby natin. Sobrang mahal na mahal ko kayong dalawa panget. Ikaw at ang anak natin." seryoso kong sabi sakanya.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon