21

1.9K 17 4
                                    

Ara's Pov

Hi ga. Kamusta ka na dyan?

Ok lang naman. Medyo pagod eh. Pahinga na muna ako ah. Ingat ka dyan ah. And she ended the call. Bakit ganun? Lagi na lang siyang busy. Tapos di na din siya kumokontak sakin. Laging ako ang kumokontak sakanya. Sabagay wala naman siyang obligasyon sakin.

Mahirap kasi nakasanayan ko na. I mean yung laging tawag at text. Pero ngayon parang nakaka panibago kasi eh.

Nandito na lang ako sa bar ko. Ala-una na din pala. Then tanghali na dun sa NY. Kaya pala. Sobrang busy siya.

Dito ako madalas tumambay sa counter dati kapag mag isa lang ako. Madaling araw na din naman. Kung aayain ko pa si Kim makaka abala pa ako. And besides busy din yun sa baby nila ni Mela.

"Dalawang shot nga ng hard." Maangas. Mayabang. Halatang galit ang nagsalita. Nilingon ko kung sino yung nagsalita. Di naman na ako nagulat dahil wala naman akong dapat na ikagulat sakanya.

Sunod-sunod ang tagay niya. Mga naka lima na din. Pero hindi pa din nagbabago ang aura niya. Seryoso. Galit. Halatang kagagaling lang niya sa di pagkakaunawaang usapan.

Hawak niya ang phone niya. She's trying to call someone. Pinagmamasdan ko lang siya dito. Pabagsak niyang inilapag ang phone niya saka sumenyas ng isa pa.

Binigyan naman siya ulit ng isa pa saka ininom agad. Mukhang nag away sila. Tinuon ko na lang ang pansin ko dito sa baso ko. Malayo ako sakanya at madilim din dito sa pwesto ko.

Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa may nakita akong isang babae na biglang lumapit sakanya at niyakap siya.

Nag uusap lang sila hanggang sa naghalikan na. Di natitinag ang halikan nila kahit alam nilang dalawa na nakikita sila ng ibang tao.

Nakita ko din kung paano gumapang ang kamay niya sa likod ng babae pababa hanggang pwetan niya.

"Matagal na yan. Matagal na niyang ginagawa yan kay Miss Bang." Kunot noo kong pinagmasdan ang nagsalita. "Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya nahuhuli ni Miss Bang sa mga ginagawa niya." Sunod na sabi niya.

Oh? Matagal na? Di naramdaman ni Bang yun? Paano?

"Kelan pa?" Tanong ko sakanya. Matagal na pala. Bakit di man lang nila sinabi kay Bang?

"Mga two months na boss." Sagot naman niya. Tumango na lang ako. Wala naman akong karapatan para mangi alam sakanila ni Bang. "Ganyan ginagawa niya pero lagi niyang inaaway si Miss Bang kapag pupunta yun dito. Ayaw na niya kasi nagpupunta dito si Miss Bang." Mahabang litanya niya sakin. Bakit naman ayaw? Para saan?

"Bakit naman daw?" Balik na tanong ko sakanya.

"Kasi nga daw konektado pa din daw siya sayo. Kasi diba siya nga yung nagmamanage nitong bar na to. Kaya ayun. Kung ano-ano pumapasok sa isip niyan kapag nag aaway sila ni Miss Bang." Nilingon ko ulit siya. Pero ngayon nakaupo na sa lap niya ang babae saka hinahalikan ang balikat nito. Napa iling na lang ako sa ginagawa ni Julls.

Kawawa naman si Bang. Akala siguro niya loyal si Julls sakanya. Nakita kong tumayo silang dalawa saka lumabas ng bar. Di ko alam gagawin ko. Sasabihin ko ba o hindi?

"Wag ka ng makialam boss. Hayaan mo silang dalawa sa relasyon nila. Ikaw na nga ang dahilan kung bakit kapag pupunta dito si Miss Bang nag aaway sila tapos kapag nagialam ka pa ikaw pa ang dahilan." Napalingon ako sa sinabi niya.

"Pero kahit papano naging parte ng buhay ko si Bang. Kahit papano minahal ko si Bang." Sagot ko naman sakanya.

"Sige. Kung gusto mong irescue gawin mo. Siguraduhin mong paninindigan mo ah." Sa sinabi niyang yun parang may kakaiba. Parang ginugulo lang niya ang isip ko.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon