32

1.4K 23 7
                                    

Ara's Pov

Ilang araw na din kaming magkasama dito ni Bang. Aaminin ko. Napaka maalaga niya pa rin sakin. Aaminin ko na namimiss ko ang mga ginagawa niya sakin. At aaminin ko nawawala sa isip ko si Mika dahil na din sa nandyan si Bang.

Wala naman makakapag sabi na nagloloko ako. Ay mali. Wala pa lang nakaka alam na nandito si Bang sa resthouse at kasama ko. Kasi ultimo siya wala ding paramdam.

Nagpalit na din siya ng number. Mama lang niya ang nakaka alam ng bagong number niya. Hindi ko naman kinuha ang bagong number niya. Dahil alam ko kabisado niya ang number ko at siya na ang unang kokontak sakin.

Pagbalik niya ng manila she said na aalis na siya sa puder ni Julls at babalik na sa tinitirhan ng mama niya.

Atleast dun safe siya. I mean alam ko dun magiging okay siya with her mom. Kasi malayo na siya kay Julls. At alam ko anytime maipagtatanggol siya ng mama niya.

Kung tutuusin kapag titingnan mo ngayon si Bang. Napaka haggard ng mukha niya. Napaka malungkot ng mukha niya. Alam mo yun. Basta.

Kung tinatanong niyo nasan ngayon si Bang heto siya. Tanaw ng mga mata ko. Nasa isang lugar kung saan makikita mo siyang malayo ang tingin. Na iisipin mo napaka laki ng problema.

Aaminin ko na kahit hanggang ngayon may nararamdaman pa rin ako sakanya pero ayokong i express yun. Baka kasi lumabas talaga ang totoong nararamdaman ko para sakanya.

Aaminin ko din na nanghinayang ako sa relasyon namin. Siguro dahil sa kahit LDR kami loyal at faithful ako sakanya. While siya commited kay Julls dahil sa utang na loob.

I dont really get it that time. Bakit hindi niya sinabi sakin yun. I mean babayaran ko naman kung ano yung gastos nila dun. Pero di niya sinabi. Di niya pina alam sakin.

Siguro nahiya siya. Siguro nga that time di pa siya ganun ka open sakin. But Im thankful. Mostly sa bullies. Kasi di nila hinayaan si Bang. Hindi nila pinabayaan. Tinanggap pa din nila si Bang. Kahit ganun ang nangyari.

"Tara kain tayo." Nagulat ako sa nagsalita. Hala. Nandito na siya agad. Lumingon ako kung nasan siya kanina at wala na siya dun. Bumalik ang tingin ko sakanya at nandito nga siya sa gilid ko.

"Nandito ka agad? Kanina nasa taas ka lang ah." Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya saka niya ako nilagyan ng pagkain sa plato.

"Napansin ko kasing malalim ang iniisip mo. Kaya heto. Dinalhan na kita ng pagkain." Ah. Kaya naman pala. Langya. Hahaha.

Agad din kaming kumain. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Ara oh." Sabi niya sakin while yung spoon nasa tapat ng mukha ko na may food. Eh di ano pa nga ba. Susubuan niya ako. Kunot noo ko siyang pinagmasdan. Kahit pala iba ang mukha niya ngayon. Ang ganda niya pa din.

"Huy. Nakakangalay ah." Saka siya ngumiti ulit. So no choice. Sinubo ko ang spoon at nginuya ang pagkain.

Ganun lang siya. Alam mo yung nung una akong nahospital. Yung akala niya baldado na ako. Na siya ang gumagawa ng lahat. Na siya ang kumikilos lahat.

"Alam mo iisipin ko na talaga na ako laman ng iniisip mo." Kunot noo ko siyang tiningnan. Ngumiti naman siya sakin saka niya ako inirapan. Pero may kasamang smile.

"Bang harap ka sakin dali." Sabi ko sakanya. Kasi abala siya sa pagkain niya. Nang humarap siya. Laking mata lang ang reaction niya.

"Paano kung ikaw nga ang nasa isip ko? Ha?" Sabi ko ng bigla kong inilapit ang mukha ko. As in konti na lang. Maglalapit na ang mga ilong namin. Ang mga labi namin.

Wala siyang sagot. Wala siyang sinagot sa sinabi ko. Kaya naman na pa atras siya. Nag smirk lang ako sakanya.

"Oh eh di ako." Yun lang ang sinabi niya. Pinagmamasdan ko lang siya. Halata sakanya na namumula siya. Dahil kita sa tenga niya.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon