39

2.4K 35 6
                                    

Vic's Pov

5month's na ng makalipat kami sa bagong bahay ko. And finally nakapag decide na din kami about sa pagkakaron ng isa pang anak.

Yeah. Me and Mika already talked about our new baby. And we decide na magpadonor na lang ng sperm. Goodthing at may nahanap at may pumayag samin.

Si Mika ang nagbubuntis. And finally nabuo at naglilihi na siya. 3months na niyang dinadala ang baby sa tiyan niya. Kapag ganitong naglilihi si Mika. Katulad ngayon.

1 message from Mika

>Love. Bilhan mo ko ng donuts. krispy kreme. Salted caramel. Ingat sa pag uwi love. Iloveyou."

ring ring

"Hello? Ahmm Love? Yep I'll buy you donuts later. May tinatapos lang ako. Kaylangan to bukas eh."

"Ot na naman? Hmp. Baka may babae ka na diyan. Tatanong ko kay Cienne yan." Sagot ni Mika.

"Grabe ka naman. Ot lang po. Ikaw lang no. mahal na mahal kita. Oh sige na. Tapusin ko na muna to ng makauwi na. Iloveyou Mika."

"Di pa ako tapos magsalita. Sige bye." Saka niya binaba. Oh btw. Si Cienne ang kasama ko dito. Bali pinilit siya ni Mika para bantayan ako dito. Pshh. Di naman kailangan yun eh.

At ewan ko sa babaeng to. Napapadalas na ang pagseselos niya mula ng dinadala niya ang baby namin. Binibigyan ko naman siya ng enough attention. Binilisan ko na ang trabaho ko para maka alis na dito sa office.

type

tab

type

tab

type

tab

enter

tab and ctrl+s

Whooo. Ayan na. Natapos na din ako. Nang pagkasave ko agad ko itong pinirint. Dahil need ko din ang other copy.

Paglabas ko ng office ko nakita kong napatayo si cienne.

"Nandito ka pa pala. Tara na." Pag aaya ko sakanya. Binitbit ko ang papel saka ko nilagay sa lamesa ng sec ko.

"Musta na si Mika?" Tanong niya.

"Ayun. Tinotopak na naman. Dalian natin ng makauwi agad. May pinapabili pa yun."

"Hahaha. Lakas ng topak niya talaga Vic. Oh siya tara na." Sabay na kaming naglakad papuntang basement. Dahil nandun ang sasakyan ko.

"Daan muna tayo sa mall. Para makahabol bago magsara yung krispy kreme." Sabi ko sakanya ng makasakay kami sa kotse ko.

"Lakas talaga ni Mika. Kung ano ano na lang. Haha."

"Hay naku. Sinabi mo pa."

Kulitan lang kame ni Cienne habang nasa byahe. Nakabili na din kami ng donuts niya.

ring ring ring

"Hello Love? Malapit na po. Konting tiis na lang po."

"ang tagal. Bakit may babae sa background mo na tumatawa? ha?" Si Cienne tawa ng tawa. Inaasar niya ako. Nagmouth siya ng under daw ako. Saka siya tumawa ng malakas.

"Si Cienne to love. Ihahatid ko siya. Selos mo. Mamaya totohanin ko. Haha. Joke. Wag kang masyadong mastress dyan. Pinaglilihi mo na anak natin sa sama ng loob." Sagot ko.

"Di totohanin mo. porket mataba na ako. Ganyan ka na hmmp."

Hay naku. Binabaan na naman ako ng phone. Masyadong moody. Lahat ng bagay pinagseselosan. Buti na lang malapit na din ako sa bababaan ni Cienne. Ilang minuto na lang din kasi malapit na din ako sa bahay. Naku kung malayo pa baka mataranta ako nito.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon