22

1.9K 19 4
                                    

Mika's Pov

Maaga akong gumising dahil na din sa maaga ang alis namin ng mga bata. Overnight staying lang naman kami dito.

"Vic anong eksaktong oras tayo aalis?" Tanong ko kay Vic. Magkakasama kaming tatlo nila Myhca dito sa isang kwarto.

Yun din kasi ang gusto ni Myhca. Wala naman akong magagawa.

Tumayo si Vic habang ako nakaupo lang sa tapat ng kabinet na may salamin. Nagsusuklay na din kasi ako.

Nagback hug naman siya sakin. Pinatong niya yung baba niya sa balikat ko.

"Hindi ko mahindian nmsi Myhca. Stay pa daw tayo dito kahit 1night pa. Tomorrow morning na lang daw tayo bumalik sa manila." Nakatingin lang siya sa salamin na kung saan dun nagtatama ang mga tingin namin.

"Malakas talaga sayo ang anak ko ah. Hindi mo mahindian ah."

"Syempre. Importante sakin si Myhca. Lalo na ikaw. Importante ka din sakin." Parang uminit naman ang mukha ko sa sinabi nun ni Vic.

"Weh?"

"Oo naman. Bakit di ka naniniwala?"

"Hindi. Hahaha."

"Ay. Loko ka ah." Ayun po kiniliti lang niya lang naman po ako hanggang sa napahiga na lang ako sa sahig.

"Ano di ka pa din naniniwala ha?" Papalapit siya sakin.

"Oo na. Hahaha. Oo na. Naniniwala na." Saka siya huminto. Itinayo naman niya ako saka ko aiya tinulak sa higaan.

"Loko ka Mika. Magising tong si Myhca ah."

"Hahaha. Sadya yun."

"Mommy ano ba yan." Ayan na nagising na ang anak ko.

"Kita mo na. Nagising mo na ai Myhca." Agad naman gumapang si Vic papunta kay Myhca at niyakap siya.

"Sige na baby. Tulog ka pa ulit. Gisingin na lang kita pag kakain na tayo." Dyan naspoiled si Myhca. Sa pang be baby nilang mga Tita's niya.

"Anong matutulog ulit. Hindi ka na matutulog ulit no." Saka ako lumapit at kiniliti si Mycha.

"Haha.. hahaha. Mommy tama na.. tama na po. Hahaha." Pagpipigil sakin ni Myhca. Si Vic naman nakatingin lang samin.

"Anong tama na. Tayo ka na dyan." Saka ko tinigil ang pagkikiliti kay Myhca.

Hingal na hingal si Myhca habang naka upo. Nakita kong nagkatitigan sila ni Vic.

"Game." Sigaw ni Myhca. At silang dalawa kiniliti lang naman po ako.

"Ayo-ayoko na. Tama tama na. Hahaha."

"Anong tama na. Hindi. Hindi pa." Sbi naman ni Vic.

"Hahaha. Tama na please."

"Bawal. Hahahaha."

"Di ko kayo dala-dalawa papansinin Hahaahahaha. Kapag di-di kayo tumigil. Hahahaha." At dun naman silang dalawa tumigil. Nahiga si Vic kung saan nakahiga ako.

Si Myhca naman nanatiling naka upo. Pinagmamasdan kami at ganun din ako. Pinagmamasdan ko din siya.

Wala akong kamalay malay na nakayakap pala sakin si Vic.

"Bagay ba kami baby?" Tanong ni Vic kay Myhca at nakita ko naman si Myhca na napangiti at nagnod. Tiningnan ko si Vic. Nakatingin pala sakin at nakangiti. Sabay taas baba ng dalawang kilay niya.

Nakaramdam na naman ako ng pagkainit ng mukha. Kahiya. Malapit na kasi ang mukha ni Vic sakin eh.

"Mommy your blushing. Hahaha." Lintik ay. Ano magagawa ko kung kinikilig ako. Bayan.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon