16

2K 20 0
                                    

Bang's Pov

"Hey. Wait. Heeeyyy." Napatigil ako sa pag bukas ko ng sasakyan ko. Paglingon ko si Vic pala. Papalapit siya sakin.

Kanina pa kumakabog iyong dibdib ko. Simula ng maipakita sa white screen yung mga pictures niya hanggang sa innanounce yung pangalan niya. Hanggang sa nagsalita siya. Mas tumindi yung kabog ng puso ko nung nagka tinginan kami kanina. Yung feeling na lalabas na yung puso ko sa dibdib ko dahil sa bilis at lakas ng kabog.

"Hey. Where are you going?" Tanong niya sakin ng makalapit siya. Nakangiti siyang nakatingin sakin.

Yung ngiti niyang yan. Bakit tuwing makikita ko parang may paro-paro sa tiyan ko.

"Ahmm. Leaving. Tapos na din naman na ang event eh." Sabi ko sakanya pero nakatingin lang siya sakin.

"Bakit? Di ka ba sasama?"

"Hindi. Kasi magkikita pa kami ni Julls eh."

"C'mon Bang. Sama ka na. Who know's baka sa susunod na araw wala na ulit ako." Sagot niya na papatong ang kamay niya sa balikat ko.

Parang nanlambot na naman yung tuhod ko. Hindi ko alam pero parang may kirot sa puso ko nung narinig kong baka sa susunod na araw wala na siya dito.

"Let's go. Bang enjoy life. Wag puro business works and lovelife. Have time to enjoy your self." Sabi naman niya. Nakatitig pa din ako sakanya. "Yung car mo dito mo na lang. Nandyan ang secretary ko to manage everything." Sagot naman niya. Nilahad niya yung kamay niya saka ko tiningnan. "Let's go?" Pag aaya niya sakin. Saka ko ito hinawakan. Parang nakuryente naman ako sa paghawak ko sa kamay niya.

Naglalakad na kami ng makita namin ang isang black BMW. Nalaman kong ito ang sasakyan namin dahil na din sa tumunog ito.

Pinagbuksan niya ako ng pinto saka ikinabit ang seatbelt. Parang ang hirap huminga ng malapit sa mukha ko ang mukha niya. Saka siya ngumiti.

Ugh. Why Vic? Ano na naman ba tong pinag gagawa mo sakin? Bakit tumitindi yung kabog ng puso ko? Nilingon ko na lang siya papuntang driver seat ng masara niya ang pinto ng passenger seat.

Naka upo na siya aktong magstart ng engine ng sitahin ko siya.

"Fasten yout seatbelt." Sabi ko sakanya.

"Oh sorry. Hehehe. I forgot. Sarap kasi tingnan ng mata mo kanina kaya nawala sa isip ko." Ugh. Isa pa Vic. Bakit ka ganyan? Lalo mo pinapabilis yung kabog ng puso ko.

"Kamusta ka na?" Tanong niya sakin ng bandang malapit na kami sa SLEX. Ang tagal din pala naming tahimik.

"Ok naman. Ikaw ba? Kamusta naging buhay mo dun sa US?" Bumaling ang tingin ko sakanya. Diretso pa din ang tingin niya sa daan.

"Hmmm. Ako? 4years ago na operahan na ko." Sagot naman niya sakin. Bumaling ako sa labas hanggang sa nag deep sight ako.

"Hey. Ang lalim naman nun." Sabi niya sakin kaya naman napa tingin ako sakanya.

"Ah wala." Sagot ko na lang sakanya.

"Salamat nga pala sa pagmamanage ng bar ko ah. I know mahirap para sayo yung from your work tapos pupunta ka ng malate to check my bar." Tiningnan ko siya. Dun ako parang di nakagalaw dahil malapit na pala ang mukha niya sa mukha ko. Ang hirap kayang huminga. Naman.

"Ah--ahh-- Oo. Ma-mahirap nga pe-pero ok lang." Pautal utal kong sabi saka siya ngumiti dahil na din sa naka go na pala ang signal light na kanina naka red kaya napalapit ang mukha niya sakin.

"I know your tired. You can sleep muna. Hmmm. Medyo magagabi tayo. Hmmm. Wag na lang. Yung secretary ko na lang pala ang mag aasikaso." Sabi naman niya.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon