36

1.8K 25 2
                                    

Vic's Pov

Nagpagawa ako ng bahay malapit lang sa bar ko dito sa malate. Malapit lang din sa school ni Myhca. At heto inaantay na lang si Kim. Si Cienne naman inaasikaso ang iba pang gagawin.

Tatlo lang kaming nandito kasi kinausap namin si Camille at Carol na i-entertain muna sina Mika at Mela kasama si Myhca.

Why were doing this? Because were celebrating 1st birthday of Kim and Mela's baby. And at the same time house blessing na din.

Actually its a catering. Syempre hati kami ni Kim. Marami kaming ininvite. Nandyan ang relatives. LS Alumini's and coaches.

Napagkasunduan na din kasi na pag isahin na lang since isang gastos na lang. Di naman sa nagtitipid no. Mas wais kasi kapag ganito. Hahaha.

"Malalim yan ah. Makaka ahon ka pa ba dyan?" Napabalik ako sa wisyo ko ng magsalita si Cienne at tumabi sakin.

"Gachu. Hahaha. Wala naman to." I said to her.

"Ara Im happy kasi napunta ka talaga sa taong mahal mo." Tiningnan ko siya na kunot ang noo.

"What do you mean?"

"College days pa lang alam ko na kung sino talaga yang tinitibok ng puso mo. Nandyan lang talaga nun si Bang at ayaw mong ipahalata sakanya na nasasaktan ka pero nagpakatatag ka. You're a strong woman in that case." Saka siya ngumiti sakin.

"Yeah. Matagal naman na. Dont get me wrong. Minahal ko din naman si Bang sa paraan na alam kong tama."

"Oo nga. Wala naman akong ibang sinabi ah."

"Huy ano yan ha?" Sabay kaming napalingon sa umakbay samin.

"Ang tagal mo naman Kim." Si Cienne at saka tinanggal ang pagkaka akbay ni Kim.

"Sorry na. Alam niyo naman na first time ko lang tong gagawin diba."

"Hay naku. Oo na lang. Sino susundo sakanila? Basta ako dito na lang ako to entertain the guest." Si Cienne at saka tumayo at humarap samin.

"Sige ako na lang. Baka mabatukan pa tong si Kim eh. Hahaha." Saka ako tumingin sa wrist watch ko.

"Adik mo Ara no. Hmmp." Hahaha. I feel her. First time niya to. At the same time hindi niya gawain ang mag suprise.

"Paano aalis na ako. Malapit na din naman na. Hihintayin ko na lang ang text nila Carol and Camille to fetch them." Sabi ko saka ko tumayo.

"Ingat Ara ah. Yung mag-ina ko ah. Pektus ka sakin kapag may nangyaring di maganda dun ah." Si Kim.

"Yes boss." I said to her saka ako umalis sa harapan nila at dumiretso sa kotse ko.

Di naman masyadong malayo ang mall na pinuntahan nila. So madali lang din ako nakarating sa mall na yun.

Im here now sa parking area. I texted Carol and Camille na nasa parking area na ako. Hintayin ko na lang daw ang text nila kung papalabas na sila ng mall.

Hindi din naman nagtagal nagtext na si Camille at nasa exit na daw sila ng mall.

While Im driving I saw them. Ganda talaga ng Love ko. Kahit simpleng tshirt lang and above the knee ang short. Then vans shoes. She's perfect.

Ano pa ba ang hahanapin ko diba. Agad kong pinark ang sasakyan ko sa tapat nila at bumaba.

"Hi Love." Bati ko kay Mika at saka nagbeso. "Hi baby." Nagbeso din ako kay Myhca.

"Love bakit ang tagal mo? Kanina pa kami nandito." Oh matagal ba? Parang di naman.

"Matagal ba? Sorry na. Ano dala niyo?" Tanong ko sa mga bitbit nila.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon