11

2K 21 0
                                    

Mika's Pov

Tahimik lang si Myhca dito sa tabi ko. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Alam kong may takot pa din kay Myhca dahil sa nangyari sakin nung nakaraan.

Hanggang ngayon kasi di pa din ako pumapasok sa trabaho ko. Nagleave din ako. Bilin na din ni Doc. Lazaro diba. Ni Denden. Kanina pa ako pasulyap sulyap sakanya pero siya nakatingin pa din sa labas.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na nasa manubela.

"My sorry. Natatakot lang po kasi ako." Sabi niya. Nilingon ko siya saglit at nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya. Agad kong pinark ang sasakyan sa gilid para makapag usap kaming dalawa.

"Anak sorry talaga. Di na maauulit kung ano man ang nangyari nung naakaraan. Sorry kung nagkaron ka ng takot. Sorry. Im so sorry." Nag unahan na ang mga luha ko sa pag tulo at kasabay nun ang pagyakap ni Myhca sakin at saka siya umiyak sa balikat ko.

Nakakapanghina na nakikita mong may takot sayo ang anak mo di dahil pagagalitan mo siya or sasaktan. Kundi takot na baka magbalik ako sa dati na nagtry ng drugs.

"Tahan na. Sorry. Sorry anak." Hinahagod hagod ko pa din ang likod niya. Kumalas naman siya sa yakap sakin at saka pinunasan ang mga luha niya.

"My please wag mo ng ulitin yun. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sayo. Mas importante ka kesa sakanila. Mas importante ka sa mga Tita's ko My. Please wag mo ng gagawin pa yun ulit." Sabi niya na halata ang pag aalala at takot sa mga mata.

"Oo. Hinding hindi na." Pinunasan niya ang mga luha ko at pinunasan ko din ang luha niya. Masaya ako na kahit ganun ang nangyari sakin hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko. Lalo na si Kim. Lagi siyang nandyan para samin. Nang mga bullies. Para samin ng anak ko. Laking pasasalamat ko at ng dahil sa anak ko hindi sana ako magigising sa madilim na tinatahak ko noong nasa wisyo ako ng drugs.

Salamat din sa nagbigay ng personal doctor ko. Hindi niya ako pinabayaan noong nasa hospital ako. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko dun.

Agad ko na din pinaandar ang sasakyan ko. Panay ang kwento ng anak ko. Ramdam kong unti unti na ring nagbabalik ang anak ko. Dahil panay na siya kwento. Nandyan na yung may nanliligaw na daw sakanya. Nandyan din yung minsan may nag iwan daw na sulat sa locker niya. Minsan naman daw may rose na nakasuksuk.

Dalaga na ang anak ko. May mga manliligaw na. Hahaha. Maganda naman ang anak ko. Kaso sempre kung sakin lang okay lang. Ay naglandi. Hahaha.

Pero sa mga Tita's niya ewan ko lang. Lalo na si Kim. Parang tatay niya na yun eh. Kaya nga ayun. Strict yun kay Myhca eh.

"My what if biglang dumating si Tita Ara? I mean nagbalik siya. Ano gagawin mo?" Out of nowhere natanong ng anak ko.

Paano nga ba kung nagbalik si Ara? Ano gagawin ko? Sa ngayon ramdam ko pa din naman na mahal ko pa din siya. Siguro di naman talaga nawala ang naramdaman ko para sakanya.

"Ewan ko lang anak. Bakit mo naman nasabi?" Tanong ko sa anak ko. Pero nasa labas pa din ng bintana ang tingin niya.

"My if Tita Ara court you what will you do? Or what if Tita Bang win her back what she gonna do?" Ano ba naman tong tanong ng anak ko. Ang dami dami.

Marami na din kasi ang nangyari simula nung umalis si Vic dito sa bansa. Nandyan yung nagstay si Bang kay Julls. Nagpakasal si Camille sa asawa niya. Nagpakasal si Kim at Mela. Si Cienne naman broken hearted na ngayon.

At ako naman. Nagkakaron din naman ako ng ibang nakakarelasyon. Kaso laging sinusungitan nitong anak ko eh.

May times pa nga na kakausapin si Myhca di naman naimik. Meron pa nga yung nagdadabog siya. Pero alam niyo yung matindi dun? Yung 1time nasa isang lunch out kaming lahat. Kasama ang mga partners namin. Kasama ko din nung time na yun yung karelasyon ko. Which is ayaw ni Myhca.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon