19

2.7K 22 6
                                    

Bang's Pov

"Myhca mag iingat ah. Salamat sa bonding natin kagabi." Sabi ko kay Myhca na ngayon pareho na kaming nakatayo sa labas ng sasakyan ko.

"Wala yun Tita. Next time po ulit ah. Hehehe. Salamat po ulit Tita. Pasok na po ako." Pagpapaalam niya.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagtungo muna sa bar. Ilang araw ko na din kasing di nachecheck to simula ng dumating si Vic.

Nung pinasundo siya sakin ni Mika nong nakaraan hindi siya nasundo ni Mika dahil daw may overnight sila. So sinabi ko na lang kay Myhca na sa bahay na lang siya matulog.

And naulit ulit yung pagtulog niya sa bahay. Nabitin kasi ko nun sa bonding namin ni Myhca. Kwentuhan lang kami noon. Tapos laro ng XBOX. Hindi ko naman madalas nakakasama si Myhca dahil na din sa busy schedule niya at busy din ako. Siya sa school at ako sa klase at bar.

Hindi pa din kasi minamanage ni Vic itong bar dahil na din sa abala siya sa company nila dito.

"Hi Mark." Bati ko kay Mark ng makarating ako ng bar.

"Oh walang klase?" Bungad naman niya sakin.

"Maya-maya pa ng konti. Kamusta dito?" Sabi ko naman sakanya at dumiretso ako sa office ng bar na to.

"Bang wait." Rinig kong pagpigil niya sakin.

"Oh hi Bang. Kamusta?" Nagulat ako ng pagpasok ko si Vic nandito sa office na to.

"Ah hi. Kamusta?" Sabi ko naman sakanya.

"Boss sorry di ko agad nasabi na nandito kayo ngayon." Sabi naman ni Mark na ngayon nasa tabi ko na.

"Ok lang Mark. Pagkain na lang para samin. Tuloy ka Bang." Sabi naman niya sakin. "Upo ka." Pang aaya niya sakin at itinuro ang upuan kung saan may dalawang upuan sa harap ng mesa. "Ahm ano kasi. Nag check lang ako. Wala kasi akong magawa eh. So I decide na magpunta na lang dito. Hehehe." Tawang sabi niya sakin.

"Ah ok lang. Chineck ko lang din kasi to. Ilang araw na din kasi na di ko nadadalaw tong bar mo." Sagot ko naman sakanya.

"Ay ok lang. Sorry ah. Ikaw ang nagmanage nito. Wala din kasi akong maiisipan na kanino ito ipapamanage eh. Tsaka salamat sa pag aasikaso dito ah." Nakangifi niyang sabi sakin.

"Boss ito na oh." Dala na ni Mark yung pagkain namin at saa nilapag sa isang table.

"Thanks Mark."

"Sige po boss." At lumabas na din si Mark sa office.

"Ah ano kasi Vic. May klase pa kasi ako. Mauna na ako sayo ah." Nakatayo na ako ng bigla niya akong pigilan sa braso.

"Bang wait." Nakaharap na ako sakanya at bigla niya akong niyakap.

"Sorry to leave you. Sorry if I hurt you. Im so sorry." Biglang tumulo yung luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa paghingi niya ng sorry dahil nasaktan ako sa pag alis niya at di niya ako pinag explain o dahil sa sobrang pagkamiss ko sakanya kaya ako napaiyak? 5longyears yun eh.

Ngayon masasabi kong mahal ko pa nga siya at ramdam kong siya pa din talaga ang mahal ko. Niyakap ko din siya. Yakap na sa loob ng limang taon ngayon ko lang siya naramdaman. Ngayon ko lang siya ulit nayakap.

"Okay lang Vic." Saka siya kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Stay with me please." Nakita ko kung paano parang nagmamakaawa yung mata ni Vic sa sinabi niya. At nagkusang nag nod ang ulo ko. Niyakap niya ulit ako.

"Thank you." Sabi niya sa akin. Sabay bigla niya ako hinila papalabas ng office hanggang sa nakalabas kami ng bar. Nakarating kami sa kotse niya saka niya ako inalalayang makapasok. Patakbo siya pumunta sa driver sit at saka nag start ng engine.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon