29

1.5K 27 3
                                    

Kim's Pov

Isang linggo na simulang makabalik kaming lahat dito sa Pinas. Balik trabaho na kami. Si Vic kababalik lang kahapon.

Ako naman yung Bar ni Mika ang inaasikaso kahit may restaurant na kami. By december uwi na sa Pinas ang mag-inang Mika at Myhca.

Ngayon nandito ako sa opisina ni Vic. Dito na daw ako mananghalian sabi niya.

Agad naman akong pinapasok ng secretary niya at nakita ko siyang nakaupo sa swivelchair niya.

"Wafs?" Pag tawag ko sakanya. Inangat naman niya ang ulo niya at ngumiti sakin.

"Kamusta na? Pasensya na di ako nakapagsabi na magsundo ka ah." Paliwanag ni Vic.

"Okay lang wafs. So ano plano?" Tanong ko sakanya.

"Wala naman. Tara na. Kain na muna tayo. Sa labas na lang. Miss kita eh."

"Lol. Hahaha. Tara na." Pag aya ko sakanya.

"Viiccc." Pasigaw kong tawag sakanya. Sabay kasi kaming naglakad at ng makarating kami bigla na lang siyang natumba.

Agad kong binuksan ang pinto upang sabihan ang secretary ni Vic na tumawag ng ambulance.

"Thea tumawag ka ng ambulansya. Bilisan mo. Si Vic." Utos ko sa secretary ni Vic.

—————

Ara's Mommy Pov

Tumawag si Kim samin ng Daddy ni Vic. Ngayon papunta na kami ng asawa ko kung nasan ang anak ko.

"Hon she will be fine." Hawak ang kamay ko habang sinasabi ng asawa ko.

"Di ko kakayanin mawala si Vic satin. Mahal na mahal ko siya. Akala ko pa naman totally healed na siya." Pag iyak ko sa dibdib ng asawa ko.

"Shhhh. Malapit na tayo. Strong ang anak natin." Pag alo sakin ng asawa ko.

Ito na kasi ang kinakatakot ko. Sabi ng doctor kahit totally healed na siya kailangan niya pa din alagaan ang sarili niya.

Sinabi na kasi sakanya na wag masyadong magpakapagod. Wag masyadong magpaka stress. Matigas pa din ang ulo eh.

Nakarating na kami sa kwarto kung nasan si Vic. May mga aparato na kung ano ano na nakakabit kay Vic.

"Tita." Si Kim.

"How is she? What the doctor said?" Tanong ko sakanya habang nakayakap.

"Kailangan daw po kayong makausap ng doctor. Importante daw po eh."

"Sige. Tara hon. Kim ikaw muna dito ah. Please wag mo muna ipaalam sa iba. Mostly kay Mika. Ayaw niyang pag alalahanin yun." Bilin ko sakanya.

"Yes Tita."

Dumiretso kami kung nasan ang doctor ni Vic. Yun din kasi ang doctot na tumingin kay Vic nung naaksidente siya.

"Mark." Tawag ko pagpasok namin sa kwarto niya.

"Nandito na pala kayo. Kailangan ko na talaga kayong makausap." Sagit sakin ng doctor.

"How is she?"

"Kailangan na natin siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Lumalala na ang sakit niya sa puso. Kailangan na natin gawin to kung gusto niyo pa siyang mabuhay."

"Sige. Sige. Kakausapin namin siya pag gising niya."

"Alam ko matigas ang ulo ni Ara. Pero kung aayaw na naman siya wala na akong magagawa dun."

"Sige."

Agad kaming bumalik sa kwarto kung nasan si Vic. At si Kim naman tumayo ng makita kami ulit.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon