22

1.8K 18 2
                                    

WAFS @ RP TEAM. Yan yung conference nila. And yan din yung announcing ng RP TEAM member.

Ara's Pov

"Masyado na atang malalim yang iniisip mo dyan?" Si Kim. Masyado na ba talaga malalim ang iniisip ko?

Ano lang ba ang iniisip ko? Syempre yung pagkikita ng mag ama. Yung pagkikita nilang mag ex. Ang ama ni Myhca at ang Ex ni Mika.

"Hindi naman. Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Tanong ko sakanya.

"Hindi din kasi ako makatulog. Pinagpahinga ko na lang muna si Mela at yung baby." Sagot naman niya sakin.

"Di ka ba napagod? Marami ka ding ginawa kanina ah. Magpahinga ka naman."

"Vic. Bakit ka bumalik dito? Dito ka na ba magstay? O aalis ka ulit?" Nagbuntong hininga ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa malayo.

Masaya kanina. Alam ko nag enjoy ang mga bata. Pati na din ang mga bullies. Alam ko masaya ang mga taong nasa paligid ko.

"Bakit Kim? Ano ba dapat kong isagot sa tanong mo? Ayaw mo ba na nandito ako? Ano naman kung aalis ulit ako?"

"Ikaw ba yan Vic? Bakit ganyan ka sumagot?"

"Sorry. Sorry Kim." Napayuko na lang ako.

"Ara 5years kang nawala. Ni isa saming bullies walang nakaka alam kung ano ang nangyari sayo sa US. Dapat nga magalit kami sayo. Kasi sulat lang ang iniwan mo. Nagpanggap ka pang may amnesia. Pero mas pinili naming intindihin ka. Bakit yung sasagutin mo lang yung tanong ko kung ano talaga yung dahilan kung bakit ka bumalik mahirap bang sagutin yun?" Mahaba niyang sabi sakin. Hindi naman mahirap sabihin kung ano talaga ang dahilan ko eh.

Ang mahirap paano ko sisimulang ipakilala sa isang tao yung taong kinamununhian niya? Paano ko sasabihin na ito yung taong matagal na silang hinahanap? Bago ako umuwi ng Pinas pina imbistiga ko na at pinahanap ang tatay ni Myhca. And Yes. Alam ko ang kwento sa likod ng pagiging buntis ni Mika nung nasa ibang bansa siya. Ang pag iwan sakanya ng lalaki. Ang di pagpapakita ng lalaki habang nagbubuntis si Mika.

"Hindi ko alam kung paano at saan ako mag sisimula Kim. Napaka importante ng taong to sakin. Una ayaw kong magalit siya sakin. 2nd gusto ko magkita na sila." Sagot ko sakanya.

"Vic kung sa umpisa pa lang alam mo ng kumplikado. Wag mo ng simulan." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kumplikado ba talaga ang gagawin ko? Paano kung yung importanteng tao saming dalawa ang humiling nun sakin?

Magagawa ko bang madisappoint siya? O gagawin ko na lang yun para maging masaya siya kahit alam ko na magagalit yung isa? Ang hirap naman ng sitwasyon. Napabuntong hininga na lang ako.

"Kung sa tingin mo may masasaktan sa gagawin mo pero alam mong ito ang magpapasaya sa iba gawin mo." Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ni Kim. Magulo na nga lumabo pa.

"Vic kung iniisip mong masasaktan si Mika dahil sa gagawin mong pagpapakilala sa ama ni Myhca wala tayong magagawa dyan. Pero kung iisipin mo yung kasiyahan ni Myhca dahil sa tagal na di nila pagkikita ng ama niya para mo na din sinabi na kinumpleto mo na ang buhay ni Myhca." Gulat lang ang reaksyon ko sakanya.

"Paano mo yun nalaman Kim?" Tanong ko sakanya. Kay Mela ko lang din kasi nalaman yung tungkol sa gusto daw ni Myhca na maramdaman kung paano mahalin ng isang ama.

"Kay Mela. Sa totoo lang Vic ginawa ko naman ang lahat para maging ama kay Myhca kahit na alam kong iba ako. Pero syempre iba pa din yung sarili niyang ama ang magpapadama sakanya ng pagmamahal bilang ama." Mahaba niyang litanya sakin.

"What if nga magalit si Mika sakin? Alam mong ayaw kong nagagalit si Mika sakin Kim. Pero ayokong madisappoint si Myhca." Nagbuntong hininga ako sa sinabi kong yun.

Importante sakin ang dalawang yun. Pero ano ba ang mas pipiliin ko? Ang hirap magdisisyon.

"May masasaktan ka. But may mapapasaya ka naman. Isipin mo na lang si Myhca. Magalit na si Mika Vic. Pero yun talaga ang dapat. Yun talaga dapat ang mangyari. Hindi yung ganito. Iba pa din yung alam mong may tumatayo kay Myhca na isang ama." Tama siya. Iba pa din naman na may ama ka. "Vic kung titingnan mo si Myhca akala mo walang kulang. Always happy. Dati napakaseryoso niyan. Laging seryoso ang mukha. Pero nung dumating ka lagi ng nakangiti." Seryoso? Parang hindi naman. Lumingon ako sakanya na halata ang pagtataka.

"Hindi ka naniniwala? Ask them. Ask her. Pero syempre dapat pa din natin isipin na isa ka sa mga dahilan ng ngiti niya." Ow. Sarap naman pakinggan nun.

Ngumiti ako sakanya saka ako tumingin ulit sa dagat.

"Kamusta puso mo?" Napalingon ako sa sinabi niya.

"Ok naman na. Minsan mabilis ang tibok na kung iisipin baka atakihin na naman ako. Pero kaba pala yun. Hahaha." Sagot ko sakanya na tatawa tawa.

"I mean siya pa din ba?" Kunot noo ko siyang tiningnan. Ano ba ibig niyang sabihin?

"Ano yun? Di kita maintindihan eh. Anong siya pa din ba?" Tanong niya sakin. Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala akong mahahanap na sagot.

Ramdam ko pa din naman na si Bang pa din ang mahal ko. Pero paano ko sasabihin kung alam kong may ibang may nagmamay ari sakanya? At meron pa.

Yung about kay Mika. Gumugulo ang sitwasyon ko.

"Vic tayong dalawa lang ang nandito. Wag mo ng ibahin ang usapan." Hays. Paano ko ba sasabihin? Afterall siya pa din naman eh. Di naman nawala yung pagmamahal ko sakanya eh. Maaring napalitan ang puso ko but not my mind.

Nung nasa NY ako ginawa kong inspiration ang bullies. Ang pamilya ko. Si Myhca at Mela. Lahat ng nasa paligid ko. At lalo na si Bang.

"How can I say I still love her kung pag mamay ari na siya ng iba?" Saka ako lumingon sakanya. But what if bukod kay Bang meron pa? Ang gulo. Ikaw naranasan mo na din ba yung ganito? Dalawa silang mahal mo pero at the same time ayaw mo silang pareho mawala. Ayaw mo din sila parehong masaktan.

"Vic ang tanong ko lang naman ay kung siya pa din ba? Hindi kung may nag mamay ari na sakanya. Oo o hindi lang ang sagot dun Vic." Oo nga. Bakit kasi niligoy ko pa.

"Oo Kim. Siya at siya pa din." I said to her. At oo din. Mahal ko din si Mika. Ang gulo. Gusto kong isagot ang mga ito kay Kim pero alam ko maguguluhan din siya sakin. Saka ko nakitang ngumiti siya sakin.

"Are you winning her back?" Sino? Si Bang ba o Mika? Gusto ko ng itanong eh. Gusto ko ng sabihin eh.

"I dont know. Although I feel the feeling is mutual. But Im still afraid." Saka ako lumingon sa dagat. Yes. Takot pa din ako.

"Takot na baka masaktan ka ulit? Nagmahal ka pa. Kung di ka din pala handa na masaktan. Ulit." Kim said. Hinuli niya talaga yung ULIT? Tama naman siya. Why Im here? Coz of that. Yung unfinish business ko dito. Yung kay Bang at kay Mika.

—————

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon