41

2.6K 27 0
                                    

Mika's Pov

Madalas laging puyat si Vic kaka alaga sa anak namin. Napag usapan naman namin yun at pumayag siya.

Tutal sabado ngayon at wala siyang pasok kaya pinalipat ko na siya sa higaan.

Maya-maya lang habang nagbabasa ako narinig kong umiyak ang baby namin.

Agad akong nagtungo sa crib at pinatulog ulit siya. Minsan kasi kapag bubuhatin mo siya nakakatulog ulit.

At di nga ako nagkamali. Tulog ulit siya. Kinuha ko na lang yung libro at dito na lang sa tabi ng crib ako magbabasa.

Ilang sandali lang nagising na ng tuluyan si Liam. Yes. Liam ang nickname niya. Ang haba kaya ng Vishvah Viliami. Kaya Liam na lang ang nickname niya. Agad ko siyang binuhat at inayusan. Paglabas ng kwarto nakita kong nakabihis si Myhca.

"Goodmorning mommy. Goodmorning Liam." Saka niya kami hinalikan pareho.

"Saan ka pupunta at ang aga aga nakabihis ka?" Tanong ko sakanya.

"Punta lang ako kay tita Kim My. May ipapatikim daw siya sakin na bagong recipe niya." Nakangiti niyang sagot sakin.

"Alam ba yan ng dada mo?" Napansin kong lumungkot ang mata niya. Saka siya umiling. "Bakit?" tanong ko ulit sakanya.

"Wala naman na siyang time sakin mommy. Kaya sayo na lang ako magpapa alam." Sagot naman niya.

"Teka lang. Yaya pakihawak muna si Liam." Sabi ko. Iniwan ko muna sila sa dine in at saka nagpunta ng kwarto namin ni Vic ng pigilan ako ni Myhca.

"Mommy saan ka pupunta? Wag mo ng ipaalam kay dada. Hihintayin ko lang si tita Kim tapos alis na kami." Sagot niya sakin. Pero tiningnan ko lang siya saka ako nagbuntong hininga at nagsalita.

"May kukunin lang ako. Ipabigay mo to kay tita Mela mo." Nakangiti kong sabi kay Myhca pero di naman yun totoo.

Nang makarating ako ng kwarto si Vic tulog na tulog pa din. Tumabi ako sakanya.

"Love gising ka dyan." Pag gigising ko kay Vic pero walang responce. Inuga ko siya ng inuga hanggang sa magdilat na siya ng mata.

"Hmmm Love bakit?" Tanong niya saka umupo at sumandal sa headboard.

"Sumabay ka na samin ng agahan. May isang nagtatampo sayo." Kunot noo niya akong tiningnan.

"Huh? Sino?" Tanong niya sakin. Pinisil ko naman yung pisngi niya. "Yung prinsesa mo. Nagtatampo na sayo. Wala ka na daw time sakanya." Nabigla siya sa sinabi ko saka tumayo sa kama.

"Love sabay na tayo paglabas. Magbibihis lang ako." Bilin niya bago siya makapasok ng banyo.

Paglabas namin ng kwarto halata ang gulat sa mukha ni Myhca ng makarating kami ng dine in. Kasama ko na kasi si Vic.

Sa tabi ni Myhca umupo si Vic. Ako naman kinuha si Liam para mapakain din.

"My princess goodmorning." Bati ni Vic na nakangiti. Pero tinignan lang siya nito saka nagbalik ng tingin sa kinakaen.

"Mommy ano po pala yung ipapa abot niyo kay tita Mela?" Pukaw sakin ni Myhca.

"Try this princess. Diba favorite mo to." Aktong susubuan na siya ni Vic pero umiling lang ito.

"Goodmorning guys. Oy boss Vic. Goodmorning. Long time no see ah." Paglapit ni Kim saka tumayo at nag hug sila saglit. Nagbeso naman kami ni Kim.

"Goodmorning baby." Bati ni Kim sa baby namin saka kinuha sakin at nilaro laro.

"Ahm mommy alis na po kami ni tita Kim. Tita tara na po. Excited na ako matikman new recipe mo eh." Saka naman lumapit si Myhca kay Kim.

"Haha. Oh siya sige." Sagot naman ni kim saka binalik sakin ang baby.

Nothing's ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon