25. Janeth Is My...

41 2 0
                                    

Ilang araw nang walang progress ang love story namin dahil sa Janeth na ito. Mas pinapansin at mas magkasama sila ni Mark. Sino ba namang SEXY AT MAGANDANG ASAWA ang hindi magseselos? Oo, sinabi niya sa akin na siya si Janeth. Si Janeth siya, tapos?

Ang daming tanong na bumabagabag sa akin pero sa tuwing nakikita ko sila na masayang magkasama, naiinis ako. Gusto ko na talagang pumatay ng tao. At parang normal lang sa kanila na magyakapan! Pag etong Mark Jason na ito sinabi sakin na pinsan niya lang si Janeth sasapukin ko yun!

Buti na lang at tumawag kahapon si mama. Magkakaroon daw kami ng outing na magkakapamilya. Well, sa side ko lang yun! Hindi ko pa kasi nami-meet yung parents niya eh. Never siyang nagbanggit about sa kanila. Hindi naman sa naghihinala ako na baka miyembro pala siya ng sindikato o ano pero baka busy lang sila.

"Is it a date?" tanong ni Janeth habang nag-aayos si Mark sa harap ng salamin. 30 minutes na siyang nag-aayos at kaninang isang oras pa ko tapos sa lahat ng cheche bureche ko sa katawan. Naimpake ko na din lahat ng gamit namin kagabi pa.

"Nope. Family outing."

"Can I come?" saglit na natigilan si Mark at sumulyap sa akin sa repleksyon ko sa salamin. I nodded my head in response. Pero huli na ng ma-realize ko ang ginawa ko! ANTOKWA NAMAN!

"YEHEY!" bulalas nung Janeth habang pumapalakpak pa. "Mag-iimpake lang ako saglit!" saka dali-daling lumabas ng kwarto namin. Bakit ba kasi puro ako tango?! >...< Kasalanan to ni Payat eh! Lagi akong tinatanong kung gusto kong kumain kaya puro tango lang ang ginagawa ko! :(((

Bigla na lang bumukas ang pinto at bitbit na niya ang mga gamit niya. Parang lumabas lang siya ng kwarto sabay pasok din. Nganga lang kami ni Mark dahil sa bilis niya!

"I'm ready!"

--

Nasa Tagaytay na kami ngayon at kahit August pa lang ay ramdam mo na yung lamig ng simoy ng hangin dala ng hanging Amihan na nanggaling sa Southeastern part ng Pilipinas tanda ng papalapit na Ber Months! XD (Tama ba yung Southeastern?!)

HAHAHA! Para akong si Kuya Kim dun ah!

"TABA!" nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jean dito sa resort malapit sa pool. Whew! Ang lamig-lamig naka-two piece na! WAYUP!

"So sexy ka na niyan?" bati ko sa kanya. Hindi pa ko nakakakain, ito na agad ang bubungad sa akin dito!

"Oo naman!" proud pa siyang napameywang sa harap ko, "Tingnan mo yung mga boys dun oh! Kanina pa yan naglalaway saken!"

"Baka kasi may rabies ka?" hinampas niya ako sa braso ko at mahinhin na tumawa. Boys! Kung alam niyo lang kung gaano 'to kalakas kumain.. Kulang ang mga allowance niyo!

"By the way, nasaan si Mark?"

"Ayun! Kasama niya si Janeth.."

"Diyos ko naman, Yvonne! Ipaglaban mo ang karapatan mo.. Ikaw ang asawa at hindi yang Janine na yan!" kumunot ang noo ko at nagtatakang tumingin sa kanya sabay linga sa tabi ko. May nakikita ba siyang hindi ko nakikita?

"Oops! Nasobrahan lang ng panonood ng drama.. Hehehe!" sinamaan ko na lang siya ng tingin. Anong palabas naman yun?

Hinila ko na lang siya palayo pero pinigilan niya ko.

"Bakit?"

"Teh! Nakatwo-piece pa ko! Gusto mong ma-discover ako?"

Binitawan ko na ang bruhildang ito at hinintay siyang kunin yung bathrobe niya dun sa pwesto niya kanina. Feeling maganda't sexy eh anorexic naman ang katawan..

--

"It's so beautiful in here!"

"It's so cold din pala dito sa Pilipinas!"

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon