A/N: HANSIPAG KO! Nakalimutan ko kasi i-post kahapon to eh.. Kaya..
AKO NA! XD
----
Monday.
July 22, 2013
FIRST DAY SA PAGHAHANAP NG MAPAPANGASAWA.
Mas maaga pa kay manong guard nung nakapasok kame ng university. Na-realize ko kagabi na walang dapat sayangin na oras. Baka mamaya may napadaan na guy na sakto para sa criteria ko pero napalampas ko lang dahil sa kabagalan ko.
"Ms. Monteverde! Ms. Fortalejo! Anong himala ang nangyari sa inyo at pumasok kayo ngayon ng maaga?" si Prof Elena. Prof namen sa Nutrition. Kung saan medyo nasobrahan ako.
"Himala lang po talaga!" at sabay na kaming kumaripas ng takbo ni Payat..
Lagi kasi kaming late pumasok. Number one yan sa remarks namin sa school kaya isang napakalaking achievement sa mga estudyanteng katulad namin na pumasok ng maaga. Pumunta kami ng gym dahil marami nang papasok na mga estudyante mamaya. At sinimulan na namin ang paghahanap sa husband-to-be ko.
May nakikita naman kaming mga gwapo, malalandi nga lang. So..
Isang malaking X !
Sakit lang yan sa ulo kung gwapo na nga, ipinangangalandakan pa sa pakikipaglandi.
Hindi naman ako serious masyado no?!
Dahil masyado pang maaga at wala pang masyadong mga boys sa school ay pumunta muna kami ng cafeteria.
------- Cafeteria -------
"Pansin ko lang.. Marami mang gwapo, mas lamang pa rin ang pangit." panimula ko kay Payat habang umiinom kami ng mogu-mogu. Favorite ko dito yung lychee. Try niyo! ^____^
(A/N: Endorser lang ang peg, Jane ?!)
Sina-suggest lang. Masarap kasi eh!
"Ganyan talaga ang buhay, Taba.. Hindi lahat ng genes ng nanay at tatay mo ay compatible.."
O_O
Tingnan mo tong si Payat! Mababaw na usapan lang nagiging scientific na minsan. Haaaays!
"Let's go! We're wasting a lot of time.." yaya ni Payat at tumayo na sa upuan niya.
Hindi pa nga nakakababa sa large intestine yung iniinom ko eh! *pout*
------ Gym --------
Bumalik ulit kami sa gym at tumingin-tingin sa mga nakatambay doon. Naupo kami sa bleachers at inisa-isa ang mga pwede. Puro lait lang ang inaabot saken.
"Yung naka-blue, Taba? Mukhang pasok sa criteria.. :)"
"Ayoko.. Mukha siyang mas malakas kumaen kesa saken.. :(" Pano ba naman.. Halos magkasing-katawan lang kami nung lalaking tinutukoy niya. Mukha pang bully. Sarap ihulog sa kanal.
BINABASA MO ANG
My Ideal Husband
RomanceShe was living a simple life when an announcement came eagerly into her life. The wedding! How could she manage the sudden change in her life kung ang lahat ay biglaan? Magtagal naman kaya sila ng kanyang Prince Charming or mauwi din sa hiwalayan da...