9. Nice Luck!

70 3 0
                                    

July 25, 2013

Thursday

CHEF MASTER MARKY BOY!

Jane's POV

Pagkatapos ng aming matamis na tagumpay sa swimming trunks ni Mark ay nasabi na din sa akin ni Jean ang plano namin para mapilit si Mark sa third criteria.

Ang plano..

PILITIN LANG SIYANG MAGLUTO.

Pilitin ng pilitin.

Yun lang. Naubusan yata ng creative brain cells yung Payat na iyon at napunta na lahat sa kinakain niya. Kawawang payatot! :/

Siguro naman napapansin niyo na wala ako masyadong kinekwento sa klase namin while doing our mission. Kasi napag-usapan na namin ni Payat na for one week ay hindi muna kami papasok. Aasikasuhin muna namin ito saka kami papasok.

Araw-araw man kaming late, pero bihira lang kaming umabsent.

Naglalakad na kami sa hallway ni Payat papunta sa room ni Mark. Kararating lang namin at kailangan ko siyang mapapayag agad. Kahit napakadesperadang tingnan. Eh ano?

Pagkain na pinag-uusapan no!

Sayang yun!

Rampang 'Pussycat Dolls' ang peg namin ni Payat nang mamataan namin ang lalakeng prof namin na takas yata ng mental.

Kaagad kaming huminto at sumiksik sa gilid. USELESS! Umupo na lang kami sa gilid since may upuan naman dun. Mahaba naman siya at nakayuko kaming umupo doon katabi ang mga nerd na nagbabasa at kunwari ay nakikibasa kami. Nagulat yata yung nerd na tinabihan ko at nginitian ko na lang siya.

"Sige, magbasa ka lang.. Hindi kita iistorbohin." bulong ko. Hindi daw iistorbohin, pero naligalig ko naman. Hay..

Ibinalik na lang ulit nung nerd yung atensyon niya sa binabasa niya. Nakatingin lang ako doon at nakibasa din ng konti.

Inferno by Dan Brown.

@________@

Ang novel na Chapter 6 pa lang ay nagdudugo na ang utak ko sa klase ng english na ginamit niya.

Ginamit ko ang peripheral vision ko para makita yung prof namin kung nakalagpas na ba.

(".")

Hindi pa?! Seriously?! Ang bagal talaga maglakad nito. Pagtyagaan. Nang makapag-isip naman ako kung paano ko mapipilit si Mark.

"Miss Moooonteeeeeveeerdeeeee, seeee yooouuu in claaaassss laaateeerrr.." mabagal na bati nung prof ko. USELESS!

"Paaaatiiiii ikaaaawww diiiin, Misssss Fooortaaaleeejooo.." pahabol pa niya.

Takas talaga!

Tumayo na ko at nagpaalam na din sa nerd na naistorbo ko. Malaking kasalanan kasi kung makaistorbo ka ng nerd. Kaya naglakad na ulit kami papunta sa room ni Mark.

Halo-halo ang feelings na nararamdaman ko. Masaya na excited na kinakabahan. Edi ako na! >...<

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon