Kinabukasan.. Maaga kaming ginising ni mama. Gusto daw niyang mag-picnic kami. Partida, may hang-over pa sila niyan ha!
Lumipat kami sa kabilang resort dahil sawa na daw si mama sa hotel na tinutuluyan namin. If I know, baka may souvenir na siya dun na iniwan. Pagdating sa meeting place ay nakita ko silang lahat na naghihintay sa amin.
"Late as always," litanya ni Jean habang pinapayungan siya ni Eros.
"Wag kang lumabas sa shade.. Kitang ang init oh!" saway sa kanya ni Eros. Ang sweet! ^____^
Eh si Mark?
Dun sa phone niya!
"Oh halina kayo! Ilatag niyo na 'to at nang makapagluto na tayo!" sigaw ni mama sa amin kaya naman dumiretso na ko sa tabi niya at kinuha yung mga karne sa isang tupperware na may kasamang marinade.
Yehey! Mag-iihaw kami..
Pahinga muna sa oily foods!
Isinet-up namin yung ihawan, tumulong sina Jean sa pagluluto. Sina Janeth at Mark naman ay nagpho-photoshoot. Ang laki ng naitulong nila! XD
"So.. Lulunurin na ba natin siya? Anong plano, Taba?" gumana na naman ang pagka-psycho nitong babaeng ito.
"Wala!"
"Anong wala? Akala ko ba inis ka sa kanya? Anyare?" nagtatakang tumingin siya sa akin habang binabaligtad yung liempo.
"Kapatid niya yan si Janeth. Baby sister. Kuya siya. Magkapatid sila." gandang explanation. Siguro naman maiintindihan niya yan!
"Ha? Paano nangyari yun?"
"Eh baka nabuntis at ipinanganak sila ng nanay nila. Utak, Payat!" Akala ko, mage-gets na niya.
"Tss."
Hindi na lang namin inalintana yung init ng araw. Minsan lang 'to! Puro ako aircon nung mga nakaraang araw eh. At saka, napalitan ko na din yung mga dead cells ko na namatay dahil sa ginawa naming survey para kay Mark noon.
"Hon oh! Tikman mo.." sinubuan ni Eros si Jean ng pansit. At ang gaga, kilig na kilig naman!
"Masarap ba?" tanong nito. Naalala ko tuloy si Mark kagabi.
"Bakit namumula ka?" nilingon ko ang nagsalita at speaking of the devil.. Si Mark! "Bakit namumula ka?" ulit pa niya.
Tiningnan niya akong maigi, "Ah.. Dahil siguro sa init. Mag-lotion ka mamaya. May dala ako diyan sa bag!" Papahiran niya kaya ako?
Umalis na si Mark at may kukunin siguro. Nabaling naman ang atensyon ko sa katabi kong lovebirds..
"Kelan pala naging kayo?" usisa ko. Aba! Matagal nang walang POV tong Payat na to noh! Ma-interview nga..
"Hindi pa kami." kaswal lang na sagot niya.
"Oh? Hindi pa pala kayo pero kung makapaglampungan kayo, tinalo niyo pa kami ni Mark!" Nakakalurkey!
"Pakipot kasi 'to kaya ganyan yan!" singit ni Eros sa tabi niya. Hindi ko akalain na sweet pala ang lalaking ito. Nung una ko kasi siyang nakita noon sa Department Store ay seryoso siya. Yung tipong suplado type!
"Hindi ako easy-to-get. Kaya manligaw ka pa diyan!"
"Bibigay ka din."
"Sige, asarin mo pa ko. Uuwi kang basted ngayon!"
"Joke lang, Hon! Eto naman, hindi mabiro."
Okay. Nag-moment na sila diyan.
Ilang sandali pa ay pinaalis na kami ni mama para maligo sa dagat. Pumunta ako ng room namin para maglinis muna ng katawan.
BINABASA MO ANG
My Ideal Husband
RomanceShe was living a simple life when an announcement came eagerly into her life. The wedding! How could she manage the sudden change in her life kung ang lahat ay biglaan? Magtagal naman kaya sila ng kanyang Prince Charming or mauwi din sa hiwalayan da...