Tatalikod ba ko o ano? Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Parang hindi ako mapakali. In short, parang natatae. XD
Seryoso lang siyang nakatingin dun sa apoy. Ano ba yan! Puro ako peg-ebeg! Peg-ebeg!
Tiningnan ko lang ulit siya pero napakatahimik niya. Ano kayang iniisip niya? Nafa-fall na kaya siya sa akin o matatagalan pa ang love story namin?
Mark's POV
Sa tingin ko ay hindi na galit pa sa akin si Jane. Maayos na kaming nag-uusap ngayon habang nakatitig sa fireplace.
"Stay there," buti naman at natigilan siya dahil maaga pa para matulog siya. Kain-tulog pa naman 'tong babaeng 'to! Okay na sana ang moment na 'to kaya lang parang may hindi magandang mangyayari.
"Ano'ng akala mo sa akin, aso?" Haaay.. Women's logic.
"Pagka-sinabing stay, aso ka na agad? Hindi ba pwedeng samahan mo pa ako kahit sandali lang dahil kailangan ko ng kasama ngayon?" Actually, kahit talikuran mo ako ngayon ay okay lang. Medyo sumasakit na yung tiyan ko!
"Galit ka na niyan?" may masabi lang ako. Ayokong manahimik dahil baka makahalata siya na may iniinda ako ngayon. Hindi naman pwedeng sabihin ko sa kanya ng diretso na natatae ako ngayon.. Panira ng moment ika nga kung gagawin ko iyon..
I noticed she stood there quietly. Parang ang lalim ng iniisip at nakatitig lang siya dun sa may apoy. Naramdaman ko na lang ang malakas na paghilab ng tiyan ko at kelangan ko ng matinding kapangyarihan para pigilan ito.. Parang tsunami sa lakas.
"Uhmm.. Mauna na ko sa taas. Antok na ko eh," sabay hikab na tumalikod sa akin. Nakakahiya.. Pero nakahalata kaya siya?
"Are you okay?" I asked habang nakaupo pa rin. Baka nakahalata eh..
"Yeah! I'm okay.. Gabi na kasi masyado kaya dapat na tayong matulog. Hindi ka pa ba aakyat?" SAFE!
"H-hindi pa," ramdam ko pa rin talaga ang pagwawala ng tiyan ko. Please Jane, umakyat ka na.. Parang awa mo na!
"Oh sige. I'll go ahead na," paalam niya saka tumalikod sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinimulan na magbilang.. 1, 2, 3, 4, 5...
"Hindi ko na kaya!"
Jane's POV
I locked the door behind me. I have a bad feeling for him. Hindi ko alam kung ano yun pero alam mo yung sinasabi nila na women's instinct? ETO NA YUN EH!
Hihiga na sana ako sa kama ko pero tumalikod ako at binuksan ang pinto saka nagmartsa pababa para hanapin si Mark. Pero pagkarating ko sa fireplace ay wala na siya.
BINABASA MO ANG
My Ideal Husband
RomanceShe was living a simple life when an announcement came eagerly into her life. The wedding! How could she manage the sudden change in her life kung ang lahat ay biglaan? Magtagal naman kaya sila ng kanyang Prince Charming or mauwi din sa hiwalayan da...