24. The Threat?

40 1 0
                                    

"WHAT THE HECK?!"

Nadiin ko ng hindi sinasadya sa pisgi ni Mark yung icepack dahilan para dumaing siya sa sakit. Sino 'to?! Kung maka-pink lipstick naman to parang wala nang bukas!

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Naka-black dress siya at black converse pero pink ang lipstick. Anong trip nito?

"Uh.." Ano nga bang sasabihin ko? Hindi ko na namalayan na tinulak na niya ko palayo dun sa lalaking nakahiga at ngayon ay nakatanga na lang ako na nakatingin sa kanilang dalawa. Wala na din sa ayos yung icepack. Hinawakan niya sa pulso si Mark saka sinipat ang noo nito at kinuha din yung icepack pagkatapos.

"T-teka nga!" pagkuha ko sa atensyon niya. Ako kaya ang bida dito! "Sino ka ba? Bakit bigla ka na lang sumusulpot?"

"Siya na ang bahala na magsabi sa'yo kung sino ako.. Ikaw na muna dito." iniabot niya sa akin ang icepack at kinuha ko ito. Tahimik lang siyang lumabas at isinara ang pinto. Sino ba siya? Bakit kailangan pa na si Mark ang magsabi kung sino siya?

"Oh my god!" hindi kaya siya yung first love-slash-ex ni Mark na ngayon ay nagbabalik kagaya ng ibang love stories na nababasa ko sa Wattpad? Tapos ano?! Mai-ichapwera na ko at magbabalik ang kanilang feelings para sa isa't-isa tapos magiging sila tapos makikipaghiwalay at magfa-file siya ng annulment para magkasama sila pero dahil masama siya ay magkakabalikan kami at kami ang magkakatuluyan dahil kami ang bida dito sa story na 'to?! -.-

"Hmm.."

"Mark?" dahan-dahan na iminulat niya ang mga mata niya at kinusot ito, "Anong nangyari?"

"Ah.. Eh.." Paano nga ba ito ie-explain?

"Nabugbog ka yata?" pagsingit sa usapan nung newcomer.

"JANETH?!" gulat na gulat na sabi ni Mark. At sa sobrang gulat niya ay napabangon ito AGAD-AGAD!

"Janeth?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin bagkus ay tumayo pa ito at niyakap siya.

"I'm back!" masayang bati nung Janeth habang magkayakap sila. Take note: MAHIGPIT ang yakapan nila.. Hindi ko alam pero parang may kumirot sa puso ko. Parang gusto kong sumigaw, manabunot, magwala. ASAWA KO YAN EH!

"Kelan ka pa dumating?" tanong ni Mark habang iginigiya si Janeth palabas ng kwarto.

"Uh.. Mark! Paano ako?" tawag ko sa kanya.

"Sandali lang!" walang lingon-likod na tugon niya sa akin saka tuluyang nawala sa paningin ko. TAMA BA YUN?!

--

"Hahahaha! Anong nangyari pagkatapos?"

"Ayun! Nagba-bye na ko.. Mahirap na. Sayang ang kagwapuhan ko."

"Tss. Hindi bagay sa'yo!"

Kanina pa sila ganyan. Kwentuhan tapos magtatawanan. Tatlong oras na nga sila kumakain hindi pa rin matapos-tapos. Hinahayaan ko na lang.. Eepal sana ako sa masayang kwentuhan nila ng may maramdaman ako sa bulsa ko. Tumatawag si Payat!

"Payat!"mas masaya pa sa salubong ni Mark kay Janeth ang bati ko. Medyo lumayo din ako dahil baka makaistorbo ako sa dalawa.

"Oh? Tuwang-tuwa ka yata?"

"Oo naman! Na-miss kaya kita." nae-excite ko pang sagot.

"Ah ganun ba? Ako kasi, hindi eh.." -_______-

"Sama talaga!"

"By the way, kumusta na kayo ni Mark? May nabuo na ba? Anong exact size? Dali! Naka-ready na yung protractor ko! ^_____^"

"GAGA!" bulyaw ko sa mahalay na babaeng nasa kabilang linya. "Protractor pinagsasabe mo?"

"Eto naman!"

"Ayun siya," lumingon ako sa gawi nila at nagtatawanan pa rin. "Masayang tumatawa.."

"Malamang teh! Nakakita ka na ba ng tumatawang malungkot?"

"Patapusin mo muna ko!" dinig ko naman na tumahimik na siya kaya't ipinagpatuloy ko na.. "May babae siyang kasama.."

"HA?!" sumakit yung tenga ko dun sa sigaw niya. "Kakakasal niyo lang nambababae na? Aba'y putulin yan!"

"Wag ka ngang ano.."

"Anong ano? Kakatapos lang ng honeymoon niyo, may babae na agad?"

"Hindi ko alam, Payat.." tila nawawalang gana kong sagot. "Ano nang gagawin ko?"

"Simple lang 'yan!" Uh-oh! Looks like we're into something again..

--

Pababa palang ako ng hagdan ay naaamoy ko na yung niluluto ni Mark. Hmm ~ NILAGANG BABOY! Amoy pa lang! Sa sobrang excitement ko na tikman yung niluluto niya ay patakbo ko itong pinuntahan pero na-disappoint lang ako nang hindi si Mark ang nasa kusina.

"Gusto mo nang kumain?" may mata ba 'to sa likod? Kasalukuyan niyang hinihiwa yung repolyo at nakatalikod siya sa akin. Sasagot ba ko?

"Okay ka lang?" hindi ko na namalayan na humarap na pala siya sa akin at naghihintay ng sagot ko kaya naman magkasamang tango at ngiti lang ang sinagot ko. "Saglit na lang 'to.."

Right at this moment na pinagmamasdan ko siya ay parang gumaan ang pakiramdam ko at hindi ko maituloy ang dapat kong gawin. Para kasing ang bait niya.. Bakit ba ngayon ko lang napansin na maganda din pala siya?

"Pwede na bang kumain?" si Mark. Nilagpasan na naman niya akooo!!!

"Oo.. Sakto, luto na 'to!"

"Anong tinutunganga mo diyan?" with matching gulo sa buhok ko pa!

"Aissh!" pilit kong inaalis yung kamay niya na kung makahimas ay akala niya siguro aso ako.. "That's it! Mainis ka! Hahaha!"

"Kain na!" putol niya sa kulitan namin. Kaagad din humiwalay si Mark at umupo na sa harap ng mesa. Don't tell me na.. Sa buong pagsasama namin nandiyan yan?!

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon