22. Her Doubts

52 2 0
                                    

Jane's POV

Hanyare kaya sa kanila? Hindi ko talaga maisip eh.. Mag-aaya na manood ng sine tapos bigla akong iiwan.. HUMAYGAD! Hindi kaya... Hindi kaya gumawa sila ng.. ng.. MILAGRO?!

Kaagad kong nilapitan si Payat at niyakap.

"Bakit, Taba?" hindi ko na lang siya pinansin at niyakap ko na lang ng tahimik. Wala akong paki kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Sayang ka, Jean.. I thought you believe in the sanctity of marriage but what happened?

I glared at Eros na nakasunod lang sa amin.

He mouthed 'What?' pero inirapan ko lang siya.. WALANG HIYA KA!

"Jane.. Taba." tawag sa akin ni Jean. Humiwalay muna ako sa kanya bago magsalita, "Bakit?" tumingin siya sa akin ng may naguguluhan na ekspresyon.

"Ano'ng why?"

"You two could have get a room rather tha---" she cut me off.

"BALIW!" sigaw niya sa akin, "Wala kaming ginawang ganun noh!" bilis ma-gets ah!

"Ano yun, Hon?" singit ni Eros.

"WALA!" paasik kong sagot sa kanya. "Subukan mo lang, Eros.. Subukan mo lang. Yari ka talaga sa akin!" dagdag ko pa bago ako mag-walk out. Napakamot na lang siya ng ulo niya.

Pero kaagad din akong bumalik kay Jean, "Alis na ko ha! Baka hinahanap na ko ni Mark. Salamat sa pag-invite.." paalam ko.

"Nag-walk out ka na nga lahat-lahat, bumalik ka pa.. Sige na," bumeso siya sa akin at iwinave pa ang kamay na umalis na ko. "Shoo! Alis na at papahirapan ko pa 'to!"

"Bet ko yan!" sagot ko bago ako umalis. Binelatan ko na lang si Eros na halatang naguguluhan sa amin. Oh well..

Nakarating ako sa new house namin ni Mark ng matiwasay. Three-storey house yun with swimming pool, wide garden na may kasama pang playhouse. Asang-asa kasi sila na magkakaapo sila agad sa amin. Isinara ko na gate dahil mahirap na.. Baka manakawan pa ko. Hindi inisip yung rape, noh?! Hahaha!

Ito daw ang gift sa amin ni mama. Binuksan ko ang clutch bag ko at kinuha doon ang susi.

"WOOOOO! PAAAARRTTTYYYY!!!"

"Sayaw pa! Haha!"

"Pre, alak pa nga dito!"

"Chicks oh!"

"Holy shit!" bulong ko sa sarili ko.. Sino 'tong mga to? Pumunta ako sa harapan at nagulat ako sa nakita ko..

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon