1. Gala Daw

648 6 0
                                    

Jane's POV

Suuuupppeeeeer boring talaga ng klase na to. HRM 104 ang subject namin ngayon. At 3rd year na ko. Ewan ko ba sa university na pinasukan ko. Ngayon lang to pinaaral samen.

"As all of you are HRM Students, I will explain to you the principle of why studying this BLAH BLAH BLAH BLAH!"

Sabe ng prof namin yan! Prenteng nakaupo ako dito sa likod ng room at dahil sa aircon ang bawat classrooms sa sosyal naming school..

Eh inaantok lang naman ako at matutulog na.

Ewan ko ba kung bakit pero sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng prof namin na to, eh inaantok ako.

Katunayan, meron pa nga akong picture niya sa ilalim ng kama ko. At sa tuwing inaatake ako ng insomnia, kukunin ko lang yun at tititigan ng ilang segundo. At PRESTO!

INAANTOK NA KO!

Ang sarap talaga matulog kapag aircon. Nakaupo ka nga lang. Pero ok na din. Chu-choosy pa ba ako eh grasya na din to teh!

^______^

-.-

zzzZzzzZZZzzz.

zzzZzzzZzzZZ......

*kalabit kalabit*

"Taba!" bulong saken ng katabi ko. Sino pa ba ang tatawag saken ng taba kundi ang bestfriend slash partner-in-crime na si Jean.

*kalabit kalabit*

-.O

"Ano ba yun, payat?!" papungas-pungas pa ko. Nakatulog pala kasi ako eh. Kaya ayun, sleeping beauty ang peg!

Taba at Payat tawagan namin ni Jean. Hindi naman ako mataba talaga.. Seksing may laman lang. Si Jean? Eh yun talaga ang payat! Anorexic nga talaga dapat ang itatawag ko dun kaya lang baka makasakal ng wala sa oras.

"YOU'RE SLEEPING AGAIN MS. MONTEVERDE!" sigaw saken ng prof ko. Kawawa na naman ang eardrums ko neto. Kaya bago pa magtawag ng kung sino-sinong santo si prof, eh umayos na ko ng upo. At kunwari nakikinig na.

Kahit ang totoo niyan ay bumabaliktad na ang mata ko sa sobrang antok.

------ Cafeteria -------

"Hoy taba! Ano namang nakaen mo at natulog ka na naman sa klase?" panimula saken ni Jean nang marating namin ang table namin.

"As if naman na tatagal ako ng isang araw sa kanya kung hindi ako matutulog sa klase niya no!"

"Eh? Ikaw kaya tulugan? Trip mo?"

"Eh bakit ba kasi panay kalabit mo saken kanina?"

"Mangongopya kasi ako sa'yo kaya kita kinakalabit! ^______^"

JUSKO! YUN LANG PALA! Eh halos matanggal na yung balat ko kakakalabit niya para lang mangopya. Matalino at magaling din naman si Jean. Hindi nga lang siya nawawala sa mga dakilang kopyador ng klase namin. At syempre, kasama na din ako dun. Mukha bang magpapatalo ako? At saka kami kasi yung tipo ng mga matatalino na TAMAD. As in sagad-sagaran ang katamaran.

Pero wag ka pag kami nagsipag.. Kukulangin ang 100 na grades samen..

Hihihihihi.. ^______^

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon