Nasa loob na ko ng kotse na maghahatid sa akin sa wedding place.
Kung wedding nga bang matatawag yun!
Nakarating naman ako ng matiwasay. Sa ***** Gardens ang venue. Hindi Fernwood Gardens ha! Hindi ko masyado alam ang iba pang details ng kasal dahil sobrang na-focus ako sa rejection saken ni Mark.
I take it as a rejection kasi sabi pag-iisipan daw niya tapos kinabukasan lang.. May kasama na agad siyang babae na binibilhan pa ng kung ano-ano! Aba'y matinde ~
Hindi naman ako mag-isang sumugod dito. Meron naman akong escort na magdadala saken sa garden na yun.
Merong escort, pero walang groom!
Haaay! Sayang naman ang effort ko na magpaganda kahapon at kanina. :(
"Start na po, ma'am.. Just wait for the curtains to open." nakangiti at polite na sabi nung nag-escort saken. Saka siya umalis.
Kuya, wait! Ikaw na lang groom ko! Grr.
Dahil wala na din naman si Kuya na pogi din naman at somehow yummy ay pinansin ko na lang yung mga nakikita ko. Dahil madali akong makita mula sa may pintuan ay nilagyan nila ito ng kurtina! XD Na maganda naman ang pagkakalagay at hindi mukhang cheap na kurtina lang!
Nakikita ko rin eung mga garlands na nakasabit sa kisame. Uala na nga akong makita sa bubong eh! Kahit hindi ko masyadong makita ang mga bisita sa kabilang side ng kurtina ay alam kong marami sila.
May napadaan na mga babae sa gilid at parang kinikiliti sa singit. Hindi ko marinig ang mga bulungan nila dahil kanina pa tumutugtog ang music.
"Ang gwapo...." yun lang ang narinig ko. Basta gwapo, mabibilis eh noh?
Narinig ko na nag-play ang music kasabay nun ay ang pagbukas ng kurtina. Kahit may veil ako ay medyo nasilaw ako sa ilaw. Hindi ko naman kasi alam na ganito pala kaliwanag dito.
(Play the video: Kung gusto mo! XD I Do (Cherish You) by 98 Degrees)
All I am, all I'll be
Everything in this world
All that I'll ever need
Is in your eyes
I started walking down the aisle. I can't almost see anything dahil naga-adjust pa rin ng konti ang mga mata ko sa liwanag. I felt a sharp pain in my stomach. I'm not looking at the front because I don't even know if there'll be someone who's waiting for me to reach the end.
Shining at me
When you smile I can feel
BINABASA MO ANG
My Ideal Husband
RomanceShe was living a simple life when an announcement came eagerly into her life. The wedding! How could she manage the sudden change in her life kung ang lahat ay biglaan? Magtagal naman kaya sila ng kanyang Prince Charming or mauwi din sa hiwalayan da...