2. Family Traditions.

149 4 0
                                    

Ba't nandito si mama?

Nakow! Don't tell me sesermunan ako neto dahil natulog ako sa klase kanina. Automatic na alam na niya yun eh!

"Jean, hija! Looking good huh.." bati ni mama kay Jean saka nagbeso beso yung dalawa.

"Kayo din po, tita hehehe.." kahit kelan talaga bolera tong bestfriend ko. Peace!

"Oh, Jane.. Take your seat now and we have to tell you something important." Tama ba 'tong naririnig ko? Si mama nage-english? Aba! Umaasenso! :D

Habang papalapit kami sa upuan ay saka ko lang napansin ang nasa early 50's na lalaki na nakasuot ng amerikana. At ngumiti saken.

TAKTE! HINDI AKO NAGPAGANDA PARA SA KANIYA! Sino may make-up remover diyan?

"Kalma lang Taba! Yung fats mo, nasstress!" bulong saken ni Jean while taking our seats.

"Tantanan mo ko Payat! Mahal ko buhay ko!"

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?"

"Ayoko sa kanya!" pasimpleng turo dun sa tanders na kaharap ko ngayon sa table. Ipapakasal ba ko ni mama sa kanya? Hindi ko na keri to!

(A/N: Tanders --- Matanda)

"So.. Good afternoon ladies. I am Hervacio Hernandez and I am ---"

"NO WAY! HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA'YO IF THAT'S WHAT YOU WANT TO SAY!" sigaw ko sa kanya. Kelangan kong unahan siya sa sinasabe niya para naman magkalinawan kami na hindi kami talo.

"Hehehe.. May asim pa pala ako." bulong nung tanders habang nangingiti pa. YUCK!

"That's not what I mean, hija. So.. As I was saying, I am Hervacio Hernandez. Your family lawyer." Phew! Nakahinga din ng maluwag. "Are you familiar with your family traditions?"

O_O

May ganun ba kami?

Ay oo! Dun sa mga first born son na lalake dun sa father's side ko ay hahanap sila ng mapapangasawa nila para makuha yung mamanahin nila. Samantalang yung kina mama naman ay lahat ng babae naman.

"Yeah, somehow familiar.."

"On Sunday you'll celebrate your 18th birthday, right?" tanong niya saken.

Potek! Wag mong sabihin, sasali siya sa 18 roses???!!

Diyos na mahabagin!

"Oo.. Eh bakit niyo tinatanong?" I asked again and glanced to my mother who looks so excited.

"Because the following day after you celebrate your debut will be your wedding. And you only have one week to find your groom. If you fail, mawawala sa'yo ang lahat. Maging ang present possessions mo ay mawawala kung hindi mo ito gagawin. Maging ang mamanahin mo sa last will and testament ng mama mo ay mapapawalang-bisa. Hinahanda na din ang kasal niyo at ang reception. So.. it's only the groom."

Groom? As in? Ikakasal kaagad ako after kong mag-18? Ke-malas naman na buhay! Ni hindi ko pa nga nararanasan na magbuhay-dalaga kasal agad..

"Ano namang mamanahin ko kapag ginawa ko ang family tradition namin?" Alam mo yung painosente magtanong? AKO YUN! Syempre.. Wag naman pahalatang excited, mamaya biglang i-joke ako neto.

"Hmm.." at may kinuha na papel sa loob ng envelope. Saka binasa ng pahapyaw, "ten luxurious cars worth P250 million pesos. A house in Tagaytay. A mansion in an exclusive subdivision in Makati, where the both of you will live. And a house in Puerto Galera na bagong tayo lang. And another house in Paris, France. Sets of jewelries. A fifty percent share in the company. And an account na ikaw lang ang makakaalam kung magkano ang nilalaman."

Eh ano pang ginagawa naten dito? TARA! MAGHANAP NA TAYO NG MAPAPANGASAWA KO!!!! XD

Muntik ko nang maibuga sa kanya yung iniinom kong Margarita. Akala ko simpleng may-kaya lang kami.

Kung kanina eh nasusuklam ako sa tanders na to, ngayon naman.. Super nagpapasalamat ako sa kanya. ^______^ Instant milyonarya ang peg!

Pero bakit ngayon lang niya sinabi?

Saka ko naalala yung sinabe saken ng kuya ko. Na dapat bago ako mag-18 ay maghanap na ako ng husband material. Malay ko bang mangyayari saken to?

"Taba," tawag saken ni Jean. "Tutulungan kita ha! ^________^" Aww! Ang sweet talaga ng BFF kong to! Kaya mahal na mahal ko to eh!

"Aside from that.." sabad ni tanders. JUSKO! Hihimatayin na ko sa yaman na naririnig ko. "Your husband's family will receive five million pesos. And your husband also will receive fifty million pesos.." dagdag niya.

Eeeehhh?

Edi parang tumama na din sa lotto yung mapapangasawa ko.

But I'll make sure that there's no easy thing for him to get along with me.

Hindi yata madali maging asawa ni Jane Anne Monteverde.

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon