Bubble bubble bubble pop!
Bubble bubble pop pop!
Naglalakad na ko papasok sa room ko habang naka-headphones. Iba pala talaga ang nagagawa ng music. Nakaka-relax! Parang gusto ko pang sumayaw ala Hyuna kaya lang nasa school ako. -.-
Nagsimula na kong humakbang paakyat dahil nasa third floor ang room ko. Hindi pa ko nangangalahati ay may biglang umakbay sa akin kaya naman nagulat ako.
"Musta?" si Jean lang pala! Kung hindi ko siya agad nakilala baka naitulak ko to..
"Eto, may asawa na."
"Alam ko." nakangiti niya pang sagot.
"Alam mo naman pala eh bakit mo pa tinatanong?"
"Ang tanong ko kasi 'musta?' tapos ganyan ang sagot mo? Seriously?"pagtataray niya sa akin saka inalis yung braso niya na nakaakbay sa akin. Papasok na kami sa room at umupo sa likod dahil gusto ko. Si Jean, parang squatter yan! Katabi ko yan ngayon, mamaya wala kasi nandun na siya sa harapan. Malabo kasi ang mata niyan, ayaw gumamit ng eyeglasses. Kahit contacts na may grado, ayaw din.
"Oo nga pala.. Nakapagpasa ka ba ng excuse letter sa mga prof natin? Ida-drop ka na daw nila mamaya eh!" chika ni Jean habang sinisimulan nang lantakin yun.
Loading data 3%...
Loading data 15%...
Loading data 25%...
Loading data 37%...
Loading data 89%...
Loading data complete...
--
"SEERRRR!" pagmamakaawa ko sa prof ko, "Wag niyo ko i-drop, ser!"
"And why not? After three weeks of not attending all your classes, you'll be here begging to us?" nagtanguan din yung iba kong mga profs with bulungan pa ng "How unettiquetted!" Nu daw?
"Sir naman," lahat na ng klase ng pakikiusap ay ginawa ko na pero ayaw pa rin. Mamaya lang ay aakyat na dito yung dean para kausapin ako. Nahagilap ng aking peripheral vision si Jean na nasa labas ng room at nakasilip sa bintana. Medyo nakayuko pa siya para hindi makita ng mga profs namin.
Hindi ko maintindihan kung ano yung ginagawa niya pero parang may gusto siyang sabihin. Gustuhin ko man lumabas ay hindi pwede. Baka sabihan pa nila akong bastos. Dapat lang na ipakita ko sa kanila na kawawa ako dito.
BINABASA MO ANG
My Ideal Husband
RomanceShe was living a simple life when an announcement came eagerly into her life. The wedding! How could she manage the sudden change in her life kung ang lahat ay biglaan? Magtagal naman kaya sila ng kanyang Prince Charming or mauwi din sa hiwalayan da...