Pagkatapos ng aming lokohang kasalan ay dumiretso na kami sa hotel na tutuluyan namin. Nakakapagod din pala.. Akala ko kasi ay kahit sa pagtatapos ng reception ay may energy pa rin ako, pero halos lantang-gulay na ko sa pagod at HagGardo Verzosa na ang fess ko!
BasKil (Basang Kili-kili) din pati! XD
Kaya naman nung napansin na nila mama at nung iba pang mga guests na hapo na kami ni Mark ay pinauna na nila kami. Sabe naman nung iba ay baka umaarte lang daw kami at gusto nang gumawa ng baby!
Baby-hin ko mukha nila eh!
Habang nasa sasakyan kami ay nakatulog na kami ni Mark. Ginising pa kami nung driver na nakarating na daw kami ng tutuluyan namin. Nakasuot na din ako nun ng white wedding dress. Hindi na gown! Ginawa para saken ng mama ko dahil isa siyang Master Dress Maker. Para hindi daw hassle masyado at siguradong pagpapawisan daw ako ng todo kapag nagtagal dun sa wedding gown.
Nagpahinga lang kami ni Mark at mabilisang ligo lang ang ginawa namin sabay tulog. Wala nang usap-usap pa!
Kinabukasan..
Puerto Princesa daw ang unang destination. Wala naman akong pakialam kung saan pa 'yan sa Pilipinas. Nasa loob na din kami ng eyrpleyn. Medyo pahirapan pa nga dahil pareho naming gusto ni Mark yung window seat. Kaya nagbato-bato pik na lang kami. Dahil gunting ako at siya ay bato sakto naman na natulak siya dahil sa konting commotion nina ateng dumadaan kaya naman nung napadapo ang kamay niya sa head rest ay nakakorteng papel ito. So ako ang nanalo! ^___^/
Gets niyo?
Kaya wala na din siyang nagawa at inangkin ko nang tuluyan yung window seat. Ang saya lang niya diba? :)
Pero ang hindi ko inaasahan at nakalimutan ko pa sa lahat ay yung pagtake-off nito paangat mula sa lupa.
Wala man lang akong nabaon na bubble gum.. Alam niyo yun? Yung masakit?
Grabe talaga! Tatawa-tawa na lang saken si Mark. Palibhasa may nginunguya siya, ako wala!
Pero nairaos ko rin naman ito. Eh may pababa pa? Grabe! Feeling ko magdudugo na yung tenga ko..
Tahimik lang kami hanggang makarating na kami sa tutuluyan namin. Malapit lang ito sa beach.. Inabot din kami ng mahigit isang oras sa biyahe. Nakikita ko mula sa kinatatayuan ko ang dagat. Ang gondo! (*-*)
Parang ayoko munang pumasok sa tutuluyan namin na cottage. Yup.. Cottage ~ Ayaw nila ng hotel dahil daw mas malapit iyon sa tukso. Baka daw magselos ako..
"Ano? Tutunganga ka na lang?"
"Wala kang paki!" sagot ko dun sa impakto nasa likod ko. At nagdiretso na ko papunta sa buhanginan.
"Baka pwedeng magpalit ka muna at mag-shower? Mapo-pollute yung dagat kung lulusong ka agad!" sigaw niya habang tumatakbo na ko palayo with my arms wide open. Yung parang sinasabi mo na I'M FREE ! XD
BINABASA MO ANG
My Ideal Husband
RomanceShe was living a simple life when an announcement came eagerly into her life. The wedding! How could she manage the sudden change in her life kung ang lahat ay biglaan? Magtagal naman kaya sila ng kanyang Prince Charming or mauwi din sa hiwalayan da...