26. Mama and Her Wonderful Amigas

34 1 0
                                    

Walang pag-aatubiling umalis kami ng unit namin para hanapin sina mama. Naabutan ko sa lobby sina Jean at Eros na may kausap sa phone.

"Baka naman nagpa-panic lang tayo sa wala?" tanong ni Eros kay Janeth. Siya yung nanira ng moment namin kanina.

"Hindi. Kanina lang nakausap ko pa sila tita, sabi niya nasa Top Bar sila pero nung pinuntahan ko wala naman sila.. I decided na kontakin si Ate Jane kaya lang unattended."

Napakapa naman ako sa bulsa ko at nung nakita ko ay lowbat na pala. Nakalimutan ko nga pala to i-charge kanina.

"At ano namang gagawin mo dun sa bar kaya napunta ka?" si Jean. Iritable as always to her.

"Lasing na daw kasi siya at hindi na niya kaya pang mag-drive kaya gusto niya sanang magpasundo sa akin." Fuu! Si mama talaga!

Nasabi ko na ba na bad influence ang mga amigas ni mama?

Pwes, inuulit ko.. BAD INFLUENCE TALAGA SILA!

"Let's get going.. Walang mangyayari kung nandito lang tayo." naunang naglakad papalabas si Mark at kinuha yung kotse. Nasa isang kotse naman sina Jean, Eros at Janeth at nauuna sila sa amin. Bale convoy kami ngayon.

"San naman kaya pupunta yun sina mama?" wala sa sarili na nasabi ko.

"Don't overthink, Jane. Yan ka na naman eh!"

"Malay mo, diba?!"

"Tsk. Siguro talaga dapat nang i-ban ang mga Koreanovelas sa TV. Mga epekto sa utak niyo oh!" turo niya pa sa sentido niya habang iniikot ang daliri.

"Kasi po yung mga ganung eksena, may pinaghuhugutan!"

"Hugot mo your face!"

Ayoko nang makipagtalo! Nakaka-stress! Kung alam mo lang kung gaano ko irapan ang lalaking ito, kita ko na yung bungo ko!

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas. Baka sakaling makita ko sina mama sa daan.

"Hello? Sige. Call us when you see them, too."

"Sino yan?" kakatapos lang namin mag-usap may ka-hello, sige na siya!

"Si Eros." Eros? Paanong..

"Friends kayo?"

"Hindi."

"Eh bakit may number mo siya?"

"Hindi ko alam."

"Sus!" tukso ko pa. "If I know, baka bumubuo lang kayo ng friendship gaya ng sa amin ni Payat. Well, sorry kayo! We don't die, we multiply ang motto ng friendship namin!"

"Dami mong satsat!" ang cute talaga ng asawa ko mainis..

Buti na lang may gwa ---

"AYUN SI MAMA!" turo ko sa side ni Mark. Kaagad naman niyang inihinto ang kotse at pinuntahan namin sila.

Hindi ko alam kung dapat pa ba tong i-mention sa story ko eh..

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon