13. The Proposal

52 2 0
                                    

"MARRY ME!"

Lakas loob kong sinabi sa kanya. Wala na kong pakialam kung anong isipin niya. Basta mairaos ko na 'to.

"Are you out of your mind or what?" hindi makapaniwalang tanong niya habang sinusuklay niya ng kanang kamay ang buhok niya.

"Hoy! Alam ko kung anong sinasabi ko.. Kung maka-'are you out of your mind' ka naman diyan, akala mo lalapain ka."

"Jane. You. Are. Proposing. To. Me." emphasized niyang saad habang papalapit sakin ang mukha niya. I could smell his breath. Medyo nakainom siya. Nakainom lang. Pero hindi lasing..

Nilayo ko ang mukha ko sa kanya at lumayo pa ng distansya dahil feeling ko.. Hindi ako makahinga. I blinked slowly like two to three times to look at his face before I managed to compose myself away from him.

"I'm dead serious, Mark Jason. I know what I'm saying. And don't worry. We'll divorce after a few months after I get what I want." confident kong sabi habang nakapamewang sa harap niya.

"Uhmm.. Correction. That's annulment. Having a divorce here in the Philippines is impossible." walang gana niyang sagot habang papaakyat na siya.

"Sorry pooo.." mala-Chichay ang peg na pagso-sorry ko habang hawak ang imaginary mahabang palda ko. "Seryoso. Gusto mong mawalan ng responsibilidad towards that girl, right?"

"Excuse me?" inis na tono niya at huminto siya sa kalagitnaan ng staircase. Medyo malapit na din kami sa second floor kasi hinahabol ko siya to continue our conversation. Na sana naman ay pumayag na siya!

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil feeling ko ang slow-slow ng kausap ko. Siya na nga tinutulungan, siya pa maarte!

"I don't have any responsibilty na dapat panindigan sa babaeng yun!"

"Exactly!" bulalas ko!

"Exactly-exactly ka diyan!" bulalas din niya sa akin. Grabe na to ha!

"Nakakainis naman yang pagka-slow mo! Tinutulungan na nga kita sa pamamagitan ng isang proposal para iwasan ka na niya at itigil na ang akusasyon niya sa'yo na ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya tapos ayaw mo pa? We'll be benefited naman kung papayag ka sa gusto ko. Not unless, gusto mong maikasal sa kanya kapag hinunting ka ng tatay niya.." confident kong pangungumbinsi sa kanya habang papalapit ako sa kanya showing my sweet beautiful smile na hindi niya mare-resist.

Na mukhang hindi naman! He just stared at me like I'm some lawyer that's exaggerating things just to get everyone in favor of him.

Feeling ko.. Napahiya na naman ako. Ano ba naman kasing klaseng sitwasyon ang napasukan ko? Gusto kong umiyak. Hindi dahil sa hindi ko na makukuha yung mamanahin ko. Pero naiiyak ako dahil parang sa loob ng isang araw. Ang dami ko nang effort na nasayang dahil sa pagiging impulsive ko sa isang tao na halata naman sa kilos at pananalita niya na wala siyang interes sa akin.

I know I can be silly and impulsive at times. But I don't deserve to be treated like this by a mere acquiantance. It's just too much.

Tears are slowly forming in my eyes as I see him going nearer in which I suppose is his room.

No more hope left if he enter that door without a word.

I felt like a stupid waiting for my tears to drop.

I watch every move he takes until he hold the doorknob and twist it. I was about to turn around when I heard someone spoke,

"Thanks for giving me an option. Let's talk about the details tomorrow. Good night."

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon