29. Del Prado

48 2 0
                                    


Jane's POV

Isang linggo na din ang nakararaan nung nag-outing kami at ngayon naman ay nababagot na ko. Ang hirap pala ng walang ginagawa sa bahay. Nganga ka lang! Kakain pag nagugutom.. Kaya lalong dumadami mga baby ko sa tiyan eh..

So I decided na pumasok na lang ngayon. So far, wala pa namang mga projects na pinapagawa. Sana ganyan na lang forever ang mga prof.

"Hi Taba!"

"Hi Payat!" ginaya ko din ang tining at lakas ng boses ng payat na to! Lingunan samin yung mga estudyanteng dumadaan dito sa hallway habang sabay kaming naglalakad.

"Busy ka ngayon?"

"Ako pa ba?!" Busy eh wala ngang pinapagawa sa amin yung mga profs, pano ako magiging busy?

"Meron ka noh?!" Natutuwa pa niyang sabi sabay sundot sa tagiliran ko.

"Gutom lang ako. Kaya tantanan mo ko, Payat!"

"Oh shige!" Ang hyper talaga! "Sayang naman kung mawawala ako sa story na to dahil kinain mo lang ako, kawawa naman si Eros baby ko!" Humagikhik pa tong lokaret na to!

"Pshw. Sige na! Iiwan ko pa to sa locker ko.." nguso ko sa folder na hawak ko na mga 2-inches lang naman ang kapal. Tinatamad ako iuwi eh!

"Okay! Hintayin na lang kita sa car ko.." sinundan ko na lang ng tingin yung papalayo niyang likod saka dumiretso sa locker ko. Hindi naman siya ganun kalayo sa mga rooms namin dahil ayaw ng mga estudyante dito na may nakabalandra sa daan. May mga OCD yata ang nagpintura nito dahil bawat hilera ay color coding. Yung pintura ng akin ay black. Kaya naman kapag may nawalang gamit sa loob at nagkataong black pa ito ay ang hirap makita!

"Dito ka!" bulong ko sa hawak kong folder pero naagaw ng atensyon ko ang naka-pin na papel sa loob nito. Kinuha ko ito at binasa..

Mark Jason Del Prado

Okay.. Magkapangalan sila ni Mark, so what?

"Baka may nagkamali lang ng lagay.." Isunuksok ko na lang ang maliit na papel na iyon sa bag ko at nagsimula nang maglakad papunta sa kotse ni Jean. Pero parang may dumaan nung lumabas ako..

Anyways, love story ang genre ng story na to. Hindi horror!

**

"Heto akooo ~ Basang-basa sa ulaaan! Walang masisilungan.. Walang malalapitaan ~"

"Seriously, bestfriend mo yan?" Bulong sakin ni Mark habang kumakanta si Jean. Hindi niya siguro inaasahan na ganito kalala ang babaeng ito kapag may hawak nang mic.

"Nakakahiya mang aminin pero oo.." No choice eh!

Nasa isang Karaoke Bar kami at dito naisipan ni Jean na magpunta dahil aalis si Eros para pumunta sa Italy. Aba'y sosyal siya ha! Siguro may LQ sila..

"Oh ikaw naman!" Tawag sa akin ni Jean nung matapos na siyang kumanta. Kukunin ko na sana ang mic mula sa kanya nang makaramdam ako ng vibration sa bulsa ko.

Message from: 0932876****

P50,000,000 is not enough.

- End of Message -

Napakunot ang noo ko dahil sa nilalaman ng text. Parang familiar sa akin yung amount na yun. Saan ko nga ba narinig yun?

"Taba! Chorus na oh!" Tawag sa akin ni Jean dahil hindi ko na pala nakanta yun.

"Ikaw na muna!" Inabot ko sa kanya ang mic saka nagmamadaling lumabas ng room na iyon at dinial ang nagtext sa akin.

Hindi pa natatapos ang unang ring ay pinatay na niya. Kaya dinial ko ulit pero ganun pa rin. Tinext ko na lang ito dahil siguradong hindi niya sasagutin ang tawag ko.

Message to: 0932876****

What is that for?

Naghintay ako ng ilang segundo at nag-reply naman siya kaagad.

Message from: 0932876****

To warn you.

"Hindi ka pa ba papasok sa loob?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at si Mark lang pala. Nasisiraan na yata ng eardrums kay Jean kaya lumabas na.

Nakaramdam ulit ako ng vibration sa phone ko at nang tignan ko ulit.

Message from: 0932876****

Don't be deceived.

Is this a prank?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon