15. The Heartbroken and The Skirt!

68 2 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay ni Jean. At nanggugulo!

Trip ko lang!

Trip ko lang na may magulo dahil.. Hindi ko alam! Feeling ko.. Gusto ko lang i-tsismis sa kanya yung nangyari kanina.

 "Ano na nga ba kasing nangyari?" pangungulit saken ng katabi ko.

"Ano pa nga ba?" matamlay kong sagot. Wala na talaga kong energy.

"Kung i-kwento mo kaya! Hindi yung ganyang inaartehan mo ko!" iritableng sagot saken ni Jean nang nakataas ang kaliwang kilay niya.. Grabe lang ha! Abot yata hanggang kisame!

Pero sige..

Hindi ko iku.kwento! XD

Hindi rin ako napilit ni Jean na magkwento. Instead, niyaya na lang niya ko na mag-mall kami. Which is pabor naman saken. Kelangan ko din siguro na mahanginan ng aircon sa utak ko para lumamig ito.

Nasa isang boutique kami at tumitingin ng mga bomba at deadly weapons.. Joke!

Baka damit? Wala namang nagbebenta ng ganun sa mall! Kaloka!

Kahit magaganda ang mga damit na ibinebenta nila dito ay hindi ko mahanap sa sarili ko na maging interesado sa pagbili ng mga ito. Kung tutuusin, marami naman diyang lalake!

Na pagtitiisan ako. At hindi pahihirapan!

Lokong yun!

"Hey Taba! What do you think? This or this?" tanong niya habang hawak pareho ang dress na hindi ko mabistahan kung anong design nun.

"Both." ang naisagot ko na lang. Ayoko nang i-describe pa yun dahil alam kong keri namang dalhin ng babaeng yun ang damit na napili niya.

"I'll take both. And also that one.." dinig ko na sabi ni Jean dun sa saleslady.

"Itong red, ma'am?"

"Yes.. And that black one. Pati itong shorts saka yung yellow top na yun. Isama mo na din 'tong red and black na jacket. I like this brown, too! Pati itong leopard print na shorts! Ay ang ganda! .........." at kung ano.ano pa na naririnig ko kay Payat mula sa kinatatayuan ko.

Palibhasa.. Wala kasi siyang problema. Hindi katulad ko. :(

Pagkatapos ng nakakawindang niyang pagsha-shopping. Eh pumunta na kami sa McDo para kumain.

Big 'N' Tasty Burger and BFF Fries lng eung inorder ko.. Pero si Payat, nasa kanya lahat ng katakawan sa mga inorder niya. Ayoko nang sabihin pa at nakakahiya naman sa katawan niyang mukhang kulang sa nutrisyon.

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon