14. Let's Talk About It!

55 2 0
                                    

Umaga pa lang ay super excited na ko na makita siya. Umuwi ako syempre sa bahay KO. At hindi ako nakitulog dun. Ano ako? Cheap?! Like duh!

Hindi ko na nagawa pang tawagan nor itext si Jean sa nangyari kagabi dahil sa sobrang pagod ko. Alam mo naman ang lola mo.. Medyo mabigat lang ng KONTI eh madali nang mapagod. Kelangan ko na talagang bawasan ang mga anak ko.

I mean, BABY FATS! ^____^

Hehehe...

Sa sobrang excited kong makapunta sa kanila ng maaga ay yung 45 minutes kong ligo ay naging 30 minutes na lang! At yung 3 minutes kong exercise na ginagawa every other day ay naging 1 minute na lang at may butal pang isang segundo! :)

Wagas lang diba?

Nag-drive na ko papunta sa bahay niya. At mabuti na lang, walang traffic! Alam mo yung feeling na walang humahadlang sa'yo ngayon?

RAMDAM KO 'YUN EH!

Nang marating ko na ang tapat ng gate ng bahay nila ay bumaba na ko sa kotse ko at nag-doorbell. NG ISANG BESES!

May iba kasi na kung makapag-doorbell parang emergency sa dami. Saka ulit ako pumindot. Ganun lang!

Nung wala pa ring lumalabas ay tinadtad ko na ito!

Hindi naman kasi pwede na papaghintayin ang bisita sa labas, diba? ^___^

Medyo nangangalay na din ako kakapindot hanggang sa may tumatakbo nang isang maid para pagbuksan ako ng gate.

"Ay Ma'am! Sorry po.." bungad nito saken saka ako pinagbuksan. Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na ko sa kotse ko at pinasok ito.

Nang makapasok na ko sa loob ay dire-diretso lang ako at naupo na.

"Ano pong gusto niyo, Ma'am? Kape? Juice? Coke?" tanong saken ng medyo inday niyang katulong.

At ano daw? Juice? Coke? Ng ganito kaaga?

"Gatas saka cookies. Yun lang!"

After 1 hour...

"Ano'ng oras ba umalis yung amo mo?" medyo inis kong tanong sa katulong ni Mark. Bakit ba ngayon ko lang natanong 'to?

My Ideal HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon