Mark's POV
"Pagod na ko, kuya!" reklamo sa akin ni Janeth habang naglalakad na kami pabalik ng resort. May mangilan-ngilang sasakyan ang dumadaan at napapatingin sa kapatid ko. Ba't kasi naka-shorts to?
"Kuya!"
"Isang reklamo mo pa, tatakbuhan kita!"
"As if naman na makakatakbo ka eh pareho na tayong pagod!"
Kahit sumasakit na ang mga binti ko ay kailangan. Dahil wala namang tricycle na masasakyan dito. Hindi ko na rin nagawang kunin pa yung kotse ko dahil sa pagmamadali na makabili ng sunblock na akala ko ay malapit lang ang tindahan.
"Oo nga pala, kuya!" biglang sambit ni Janeth sa tabi ko.
"Ano na naman?"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikinasal ka na pala?" Uh-oh!
"Ah.. Biglaan din kasi." Ikaw ba naman yayain agad-agad, sinong tao ang makakapagsabi sa pamilya niya na ikakasal na ako.. Mahaba-habang interview yun!
"Ano yun? Kakakilala lang kasal na agad kaya biglaan?" natumbok mo!
"H-hindi naman.." sana pala nagbabasa din ako ng stories sa wattpad para gumana utak ko sa mga romance ek-ek na yan!
"Paano?"
"Mahabang istorya,"
"Edi paiksiin mo.."
"Nagkakilala kami, na-inlove, nagpakasal kami."
"Maiksi nga!"
"Bakit mo ba natanong?" binagalan ko ang lakad ko dahil nakakaramdam na talaga ko ng pagod kanina pa.
"Wala naman. All of a sudden, ang laki na ng pinagbago mo. And I think, it's because of ate Jane."
"Ano bang tingin mo sa kanya?"
"Medyo chubby,"
"Uh.. Alam namin yan. Yung iba pa!" buti na lang hindi to narinig ni Jane kundi baka inihagis na niya to sa malayo.
"Mabait siya at saka totoo." napaisip ako sa huling sinabi niya. Totoo.
Oo talaga!
Sinasabi niya kung ano ang naiisip at nararamdaman niya. Alam niya kung ano ang sasabihin niya kahit minsan kulang siya sa logic. Pero hindi nawawala ang pagiging totoo niya.
Sa panahon ngayon, mahirap nang makahanap ng mga ganyang babae. Lalo na yung loyal.
"Teka! Si ate Jane ba yun?" turo niya sa babaeng naglalakad papunta sa amin.
"Patay! Magtago tayo.."
"Huh? B-b---" tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya kaya't hindi na niya naituloy pa ang sinasabi niya. Magtatago na nga lang, dadaldal pa!
Hinila ko siya sa isang malaking puno at doon nagtago. Napapagod na talaga ako at nahihilo na. Gusto kong uminom ng tubig at magpahinga pero mukhang malayo pa ang lalakarin namin.
"OA naman neto!" bulyaw niya sa akin saka sinalubong si Jane ng sigaw.
"Andito kami!"
Jane's POV
Go, Jane! Hanapin mo si Mark! Okay din yan para makapag-exercise ka. Blessing in disguise to! Isipin mo ang dami mong kakainin, tapos ano? Madadagdagan naman yang weight at baby mo sa tiyan. At least, kung kumain ka man ulit ay may nabawasan ka na dahil sa nag-exercise ka!
"Haisst!" ang hirap naman kumbinsihin ng sarili ko!
Kanina pa ko palakad-lakad dito at diretso lang naman ang daan. At jusko! Pataas na yung way.. Mas nakakapagod to!
BINABASA MO ANG
My Ideal Husband
RomanceShe was living a simple life when an announcement came eagerly into her life. The wedding! How could she manage the sudden change in her life kung ang lahat ay biglaan? Magtagal naman kaya sila ng kanyang Prince Charming or mauwi din sa hiwalayan da...