11: ill will in amity (part three)

351 33 33
                                    

Chapter Eleven - III
ill will in amity

Naiintindihan ko na ngayon ang sarili ko. I will have an unfriendly feeling whenever I feel threatened by a friend. Natakot akong kaibiganin o tulungan pa si Chelsea kasi ayaw ko na mas umangat siya. Pero isa akong Amity House pledged member! Hindi dapat ako naninira ng tao. Dapat ako ang nagpo-promote ng peace, love, and kindness.

Being in Amity House is a part of who I am. I am a helping hand, not a toxic one.

Ayaw ko aminin na natalo ako, pero ayaw ko rin na matapos ang school year na hindi nakakamove on. Makapal ang mukha ko kaya kakayanin ko itong pagharap sa kanilang lahat, para ayusin ang dapat ayusin.

"Classmates, good afternoon. Uhm... Shaira wants to do the rule number 3 which is the open forum. So,  I would like everyone to pay attention and participate. Thank you." Napansin kong napatingin ang mga kaklase namin dito sa gawing likuran para makumpira kung seryoso ba kami. Kaya naman nagsi-ayos na sila ng upo habang ay iba ay nagbubulungan dahil sa tensyon.

Sinenyasan ako ni Chelsea na magpunta sa harapan nang ilahad niya ang kamay nito kaya naman tumango ako. Napa-hinga ako nang malalim dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Lahat sila ay nakatingin sa akin kaya naglakbay ang mga mata ko para humanap ng lakas. Nagulat ako ng bigyan ako ni Chelsea ng tipid na ngiti kaya naman nagsimula na akong magsalita.

"I'm sorry classmates, I betrayed all of you." Nang sabihin ko 'yon ay nakarinig ako nang bulungan.

"Sa eleksyon?" Tanong ni Kris.

"Omg! Baka sa Game of 10s!" Gulat naman na sabi ni Kisha na napatakip pa ng bibig dahilan para husgahan na naman ako ng mga kaklase ko.

"What? No!" Biglaan kong pagtanggi dahil sa gulat sa pinagsasasabi nila. "Hindi ako ang impostor sa Game of 10s! Kung totoo man na may ganoon." Napa-iling na sabi ko.

"So... sa eleksyon ba ito?! Nandaya ka?" Gulat pang tanong ni Kier kaya mas lumakas ang mga bulungan.

"Huh? Hindi ah! Malinis ang votings noon sa eleksyon, saka konti lang naman ang bumoto sa akin, kaya hindi ako nandaya doon." Malungkot akong napangiti nang natahimik sila. Alam kong guilty ang lahat, kasi konti lang bumoto sa akin dito.

"I betrayed all of you, kasi ako ang dahilan kung bakit nawala ang sako ng plastic bottles natin noon at hindi ko sinabi sa inyo." Nang sabihin ko yon ay natahimik sila ng ilang segundo bago sabay-sabay silang nagreklamo sa akin.

"Hala akala ko Galatians!"

"Shuta akala ko nga Romans eh!"

"Paano naman ako? Mga grade 7 pinagbintangan ko huhu! Poor babies!"

"My gosh ako nga nagparinig pa ako sa Twitter!"

"Ghorl, ako sa Youtube pa nga eh!"

"Shet mawawalan ako ng followers nito!"

"Same!"

Patuloy lang sila sa diskusyon nila kaya napabuntong-hininga ako at inipon ang lakas ng loob.

Nakita ko sila Cloe at Kelly na masama ang tingin sa akin. Don't worry, hindi ko kayo idadamay. This is my issue to begin with.

"G-ginawa ko yon kasi... Kasi gusto kong pabagsakin si Chelsea." Nahinto sa pagrereklamo ang mga kaklase ko at tila nagulat sa sinabi ko. Napatingin sila kay Chelsea na nakatingin lang ng diretso sa akin.

"Obvious nga!" Kumento ni Rylen na kumakain ng tsitsirya habang nakataas ang mga paa at nakikinig sa drama namin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at bumaling muli kay Chelsea.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon