Chapter Seven - II
Meet Everyone"Hala! Naglinis naman na ako kanina, bakit paglilinisin niyo pa rin ako?" Rinig kong reklamo ni Rylen sa mga kasama niyang cleaners.
Lumapit ako sa kanila at nakita kong frustrated si Rylen dahil mukhang may lakad ito.
"Oh ayan na pala presidente mo, ask her if she'll let you go." Walang emosyong sabi ni Shaira nang tignan niya ako sa mga mata.
I took a deep breath and smiled at Rylen.
"What is it?" I asked.
"Chelsea, naglinis na ako kaninang lunch. Saksi pa itong si Piolo oh, 'di ba?" Tumango naman ng marahan si Piolo.
"Ows? Baka kinuntsaba mo lang yan?" Pambabara ni Shaira. Wala pa rin siyang pagbabago, active pa rin ito sa klase, utusan pa rin ng mga teacher, at kaaway pa rin ni Rylen. I can't blame her, choice niya yan. Pero sana, maayos na namin ang misunderstanding namin.
"Ano? Hindi ah!" Seryosong wika ni Rylen. "Palibhasa wala ka nang makakuntsaba kasi wala kang kaibigan."
"Anong sabi mo?" hahampasin sana ni Shaira si Rylen ng nirolyong libro ngunit agad na nagtago sa likuran ko si Rylen na nakakapit pa sa braso ko.
Nagkatitigan kami ni Shaira na tila may gusto siyang gawin sa akin. Pero ano yon? Bakit hindi ko siya mabasa?
"Come on! Hit her." Sabi ni Freya sa isang tabi na nanonood at mukhang nageenjoy sa amin.
Napabuntong-hininga ako at hinarap na lamang si Rylen para matigil na ang tensyon sa amin ni Shaira na kaharap ko.
"You can go." Sabi ko. Biglang nagliwanag ang mukha ni Rylen at tila yayakapin ako kaso napatigil siya.
"The best ka talaga Pres Chelsea! Hehe! Pero next time na lang ang hug ah? Sige bye." Nagmamadali siyang nagtungo sa may pinto para makaalis na.
"Boring heroic act!" Kumento ni Freya na naparolled ng eyes. Nanatili pa rin siya sa kinakatayuan niya habang pinapanood kami kasama ang iba nitong alipores.
"You let him go? That's unfair!" Reklamo ni Maureen.
"Told you, she's not capable of doing these stuff," nakangising sabi ni Shaira.
"Psh, oo nga, useless kasi mga batas na ginawa niya." Dagdag naman ni Kelly na mukhang cleaners din ngayon.
"Bilib na bilib pa kayo noon, pero applicable ba? Realistic ba?" Pagtutuloy ni Shaira. So they are now teaming up against me? Wow, this is new.
"Hindi niya tayo kayang i-lead sa Game of 10s, with that kind of judgement." Dagdag pa ni Shaira habang napapailing. Madami namang tumango among the Wednesday cleaners dahil sa sinabi nito. Humarap sa akin si Shaira at napacrossed ng arms.
"Para saan pa ang mga rules mo, kung ikaw mismo hindi mo masunod yon?" Tanong ni Shaira.
"Ooooh!" Kumento ng ibang alipores ni Freya na pinapanood kami.
I just stood still. Pero sa bawat tibok ng puso ko, para bang doble yung impact, doble yung sakit. Iba talaga kapag sinasaktan ka gamit ang mga salita. It will wound inside, which you can't cure immediately.
"Saka akala ko ba gusto mong patunayan na kaya mo kaming i-handle? It turns out that you can't." Pagpapatuloy pa ni Shaira, leaving me no time to say my rebuttal.
"Yeah right." Malungkot na kumento ni Maureen nang tumingin ito sa akin.
Nagsitalikuran na sila dahil hindi ako makasagot. Mukha silang disappointed, dahil hindi ko magawa ang mga rules na ginawa ko. Pero teka, ako lang ba ang responsable sa pagpapatupad ng mga batas? Di ba dapat may part din sila?
BINABASA MO ANG
School Life With You
Novela JuvenilChelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or the so-called "school of elites," in Dandelion City. Rumors have it that frats and sororities in the...