03: What's wrong with EA (part one)

1.2K 169 290
                                    


Warning: This chapter contains mature language.

Chapter Three - I

What's wrong with EA?

Tuesday, 2nd day of school

"What's this for?" Nagtataka kong tanong nang patungan ako ni Shaira ng korona sa ulo ko nang makaupo na ako sa aking upuan.

Inalis ko iyon sa ulo ko at tinignan. It's just a toy plastic crown for kids, kulay ginto ito at mayroong mga iba't ibang size ng kulay puting dyamante.

"This is to honor you for being in Corinthians, but it will last only for a day." Sabi ni Shaira sabay kindat sa akin, saka isinuot muli sa ulo ko ang korona.

Nakita ko na mayroon ding mga korona ang iba kong mga kaklase ngunit silver ang sa kanila. Oh, did Shaira saved the best one for me?

"So we will wear a crown for the whole day??" Tumango ito at ngumiti saka dumiretso na siya sa kanyang upuan upang pumirmi.

"Yeah, it's part of the tradition for new Corinthians." Sabi pa nito.

Napabuntong hininga ako at tumango. Napakadami namang tradisyon ng school at ng section na ito na kailangan kong i-catch up.

Kahapon, nakilala ko ang mga bagong estudyante ng Corinthians maliban sa akin. Sina Vincent, Daixon, Rylen, Sean, Junjun, Aldrin, Piolo, Maureen, and Sarah. Tulad ko ay mayroon din silang mga korona, well except sa tatlong galunggong na hindi pa rin nagpapakita.

Nakita ko si Sean na kapapasok lang at pinatungan rin ng korona. Gusto niya itong tanggalin pero napigilan siya ni Freya.

Pumasok na rin si Violet na tila naginhawaan dahil hindi pa siya late.

"Omg! How can I serve you Chelsea? Should I put some makeup on you?" Masiglang tanong nito. Wow? Serve talaga?

"Uh, no thanks." Pilit akong napangiti.

"Why?" Napabusangot siya at madrama siyang umupo sa tabi ko.

"I'm more comfortable with no makeup." Sabi ko, at unti-unti siyang napangiti.

"Okay!" Masigla niyang sabi muli at nagsimula na lamang siyang magkilay.

Mayroong mga napatingin sa akin na mga kararating lang.

"Princess Chelsea, how may we help you?" Hindi ko alam ang mga pangalan ng dalawang lalaki na ito pero kaklase ko sila.

"Huh? What?" Gulat kong tanong. Are they joking?

"Well Chelsea, the privilege of that crown is you can order someone who doesn't have a crown. You're a royalty for the whole day." Sabi ni Shaira.

"Oh really?" Gulat kong tanong tumango naman sina Shaira at Violet kaya napatingin ako sa dalawang lalaki. "Uh I don't need a hand, thank you."

Tumango na lamang sila at naupo sa mga seats nila. Wow that's amazing and weird at the same time!

"So you can be my slaves?" Tanong ko kila Violet at Shaira, pareho silang nanlaki ang mga mata at napalingon sa akin.

"Hahaha! Just kidding." I told them, they sighed in relief.

The class begins when Ms. Mara steps in the classroom. Yeah, it's uncomfortable for me to let Ms. Mara see that I have a silly crown on my head.

She just smiled at us as if she didn't mind any of us wearing a crown. Ms. Mara started the lesson and told us for this week we will tackle about "knowing ourselves." It's interesting to listen, coz what we're learning is wisdom, not book knowledge.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon